Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: PGMA makikipagpulong sa mga bansang claimants ng Spratlys Islands

Manila (26 February) -- Isang pagpupulong kay Chinese Premier Wen Jiabao ang isa sa mga agenda ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa nakatakdang pagdalo nito ng 14th Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa bansang Thailand. Ito ay may kinalaman sa kontrobersiyang baselines bill ng Pilipinas na kinukunsidera ng China na pag-atake sa sovereignty ng kanilang bansa.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, maliban sa China, makikipagpulong din ang Pangulong Arroyo sa mga kinatawan ng bansang Malaysia, Vietnam at Taiwan na umaako rin sa Spratlys Islands upang matalakay ang mga isyu sa pagitan ng mga claimants ng nabanggit na isla.

Matatandaang nagsumite ang Kongreso ng isang panukala bilang tugon sa United Nations Convention on the Law of the Seas na nakatakda namang lagdaan ng Pangulong Arroyo kung saan nakapaloob dito ang claim ng Pilipinas sa disputed islands na matatagpuan sa South China Sea.

Sasamantalahin na umano ng Pangulo ang pakikipagpulong sa mga pinuno ng mga bansang claimants ng Spratlys Islands sa gaganaping ASEAN Summit sapagkat dadalo rin ang mga ito sa naturang summit.

Bagamat hindi kasapi ng ASEAN ang bansang China kasama ng Japan at South Korea, dadalo pa rin ang mga ito sa naturang summit sapagkat kabilang ang mga nabanggit na bansa sa mga dialogue partner ng asosasyon na nakikipagtulungan para sa pagbibigay solusyon sa suliraning dulot ng krisis sa ekonomiya ng buong mundo. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines