Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Philippine Center for Entrepreneurship-Go Negosyo book ilulunsad

Manila (26 February) -- Bilang pagbibigay halaga sa papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtatag ng bansa, pormal na ilulunsad ngayong araw sa pangunguna ng Pangulong Arroyo ang Philippine Center for Entrepreneurship-Go Negosyo book sa National Bookstore sa Rockwell, Makati City.

Ang Go Negosyo ni Joey Concepcion na kuwento ng 55 Women Entrepreneurs ay nagtatampok ng mga katangian ng mga kababaihan bilang uliran at ispirasyon sa negosyo ng maraming Pilipino na karamihan ay babae.

Ayon kay Presidential Consultant for Entrepreneurship and Go Negosyo founding Trustee Joey Concepcion nakapaloob sa nasabing libro ang istorya at karanasan ng limampu't-limang kababaihan na naging matagumpay sa iba't-ibang larangan at industriya gaya ng fashion, turismo, kalusugan, kagandahan at maraming iba pa.

Itinatampok sa aklat na ito ang kasaysayan nina Zenaida Tantoco ng Rustan's, Milagros Yee at Clarita Go ng Goldilock's, Elizabeth Lee ng Universal Motors Corporation, Vivian Sarabia ng Sarabia Optical, Glady's Reyes ng KSA Magic at Jennilyn Antonio ng Ehje's Peanut Butter. Ang mga babaing ito ay nagsilbing guro, at nagpamalas ng liderato at kakayahang tunay na pagpapakita ng kadakilaan ng mga babae.

Binigyang diin ni Concepcion na sa pamamagitan ng iba't-ibang programa ng pamahalaan, napatunayan ng mga kababaihan ang kanilang kakayahan na maging entrepreneur na kasalukuyan ng kumikita hindi lamang para sa kanilang pamilya ngunit pati na rin sa buong pwersa ng mga manggagawa. (ABB/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines