Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/28

Tagalog News: Proyektong pang-infrastruktura ng Department of Agriculture

Koronadal City (28 February) -- Ang sabayang paglunsad ng mga farm-to-market roads sa buong bansa ay isinagawa kahapon, ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA) 12 na pinamumunuan ni regional executive director Abusama Alid.

Dito sa rehiyon dose, pinasinayan din ng mga opisyales ng DA 12 at ng pamahalaang panglungsod ng Heneral Santos ang tulay at farm-to-market road sa Sitio Fataldao ng barangay San Jose.

Ayon kay director Alid, ang nasabing tulay at kalsada ay proyekto ng DA sa ilalim ng SOCCSKSARGEN Area Development Project Office (ADPO) sa pakikipagtulungan ng LGU GenSan sa pamumuno ni mayor Pedro Acharon, Jr.

Binigyang diin din ni Alid na pinagtutuunan ngayon ng Pamahalaang Arroyo at ni Agriculture secretary Arthur Yap ang construction ng mga infrastructure projects tulad ng tulay, farm-to-market roads at mga post-harvest facilities upang mapadali ang paghatid ng mga produktong pang-agrikultura sa mga pamilihan at makatulong mai-angat ang pamumuhay ng mga magsasaka sa kanayunan.

Sa nasabing okasyon, pinasalamatan ni mayor Acharon ang pagsakatuparan ng nasabing proyekto dahil matagal na umanong hinaing ng mga residente ng Fataldao ang magkaroon ng maayos na tulay dahil nahihirapan silang tumawid sa ilog tuwing panahon tag-ulan at mayroong baha. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»San Jose mayor off to Thailand for int'l confab for PWDs
»Kamp Pag-Asa calls for volunteers, sponsors
»CSC XI conducts orientations on Anti-Red Tape Act
»Mambukal: A fusion of man and nature's creation
»Registration for SPES set next month; Sorsogon-LGU employment generation keeps on
»Tagalog News: Seminar on tourist reception and guiding techniques, ginanap sa Tayabas
»Tagalog News: DOST-MIRDC, naghanda ng schedule ng mga seminar para sa taong 2009
»Tagalog News: Star Tollway sagot sa problema ng trapiko
»Tagalog News: Luzon Urban Beltway, isang malaking proyektong pang-imprastraktura sa Batangas
»Grandolfo riles First International Kite Boarding competition
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines