Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/28

Tagalog News: PGMA nanawagan sa lahat ng lokal na opisyal

Manila (28 February) -- Kasabay ng pagbibigay puri ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga lokal na opisya lalo na sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa ang panawagan nitong ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaang nasyonal lalo na sa pagpapababa ng epekto ng global crisis sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, habang nilalabanan ng bansa ang suliraning pinansiyal sa buong mundo, hindi umano ito ang tamang panahon upang sumuko kundi kinakailangang mas paigtingin pa ang hakbang ng pamahalaan at magtulungan ang lahat ng sangay nito upang matiyak na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang ekonomiya ng bansa.

Binigyang diin din ng Pangulo na ang tunay na tagumpay ay nakakamit sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa kung kaya't nakiusap ito sa lahat ng lokal na opisyal na habang ginagawa ng pamahalaang nasyonal ang lahat ng makakaya upang protektahan ang kabuhayan ng mga mamamayan, kung maaari ay paunlarin ng mga ito ang mga proyektong itinatag ng administrasyon sa kanilang nasasakupan.

Maliban dito, nanawagan din ang Pangulo sa lahat ng Vice Mayor's na ipagpatuloy ang pamumuhunan sa kanilang municipal revenues para sa kinabukasan ng mga Local Government Units (LGUs). (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»San Jose mayor off to Thailand for int'l confab for PWDs
»Kamp Pag-Asa calls for volunteers, sponsors
»CSC XI conducts orientations on Anti-Red Tape Act
»Mambukal: A fusion of man and nature's creation
»Registration for SPES set next month; Sorsogon-LGU employment generation keeps on
»Tagalog News: Seminar on tourist reception and guiding techniques, ginanap sa Tayabas
»Tagalog News: DOST-MIRDC, naghanda ng schedule ng mga seminar para sa taong 2009
»Tagalog News: Star Tollway sagot sa problema ng trapiko
»Tagalog News: Luzon Urban Beltway, isang malaking proyektong pang-imprastraktura sa Batangas
»Grandolfo riles First International Kite Boarding competition
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines