Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/28

Tagalog News: Ligtas kainin ang baboy, tiniyak ng mga hog raiser

Manila (28 February) -- Pwede pa ring mag-litson, mag-adobo o mag-sinigang na baboy, pagtiyak ng National Federation of Hog Farmers in the Philippines kasabay pagsasabing kontrolado ng pamahalaan ang Ebola Reston Virus sa iisang babuyan sa Pandi, Bulacan.

Upang mapakalma ang mga nag-aalalang consumers, pinayuhan ni Hog Federation president Albert Lim na lutuing mabuti ang ulam na baboy bago kainin.

Bukod pa rito, sinabi ni Lim na tiniyak ng mga awtoridad na ang may anim na libong baboy na apektado ng Ebola Reston Virus ay hindi makakarating sa mga palengke.

Ani Lim, ang insidente sa Pandi ay hindi sapat para itaas ang presyo ng baboy sa palengke dahil napakaliit lamang ng bilang ng mga ito kumpara sa kabuuang bilang ng mga baboy sa buong bansa.

Samantala, mahigpit na binabantayan naman ng mga awtoridad ang kalagayan ng 31 manggagawa ng babuyan na nahawaan ng Ebola Reston Virus.

Palaisipan pa rin sa mga eksperto kung paano nailipat ang virus sa mga manggawa mula sa mga baboy.

Hanggang ngayon ay walang nakikitang sintomas ng karamdaman sa mga manggagawa.

Ang Ebola Reston Virus ay hindi nakakapagdulot ng sakit sa mga tao. (KAlbay/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»San Jose mayor off to Thailand for int'l confab for PWDs
»Kamp Pag-Asa calls for volunteers, sponsors
»CSC XI conducts orientations on Anti-Red Tape Act
»Mambukal: A fusion of man and nature's creation
»Registration for SPES set next month; Sorsogon-LGU employment generation keeps on
»Tagalog News: Seminar on tourist reception and guiding techniques, ginanap sa Tayabas
»Tagalog News: DOST-MIRDC, naghanda ng schedule ng mga seminar para sa taong 2009
»Tagalog News: Star Tollway sagot sa problema ng trapiko
»Tagalog News: Luzon Urban Beltway, isang malaking proyektong pang-imprastraktura sa Batangas
»Grandolfo riles First International Kite Boarding competition
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines