Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/01

Tagalog News: Tour of Hope 2009, isinagawa sa Batangas

Lipa City, Batangas (1 June) -- Isinagawa kamakailan ang isang cervical cancer awareness lay forum sa Lungsod ng Lipa na ginanap sa Atrium ng SM Lipa.

Ang nasabing forum ay nabigyang katuparan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Lipa at SM Lipa kaagapay ang Tour of Hope Phils. at mga major sponsors nito tulad ng Cervical Cancer Prevention Network of the Phils., Bravehearts at GlaxoSmithKline.

Ang tema ng nasabing pagdiriwang ay Tour of Hope 2009:XXX Dare to Be Bold. Ang XXX ay sumisimbolo sa Xpose the truth, Xceed your limit at CXclaim your right na pamantayan ng nasabing bike tour organization.

Nilalayon nito na maisiwalaat ang katotohanan ukol sa cervical cancer at paano ito iiwasan, gayundin ang pagpapakita ng mga bikers ng kanilang katatagan sa 500 kilometrong takbo nila bilang pagpapakita ng suporta at upang makalikom ng pondo sa pamamagitan ng mga bike pledges para sa mga biktima ng cervical cancer.

Binigyang diin din sa nasabing forum ang tatlong bagay na dapat tandaan ng mga kababaihan upang protektahan ang sarili sa nasabing sakit: sapat na kaalaman, screening at pagpapabakuna.

Ang nasabing forum ay dinaluhan ng iba't ibang Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars mula sa lungsod ng Lipa. Napiling pagdausan ng talakayan ang SM Lipa sapagkat maraming tao ang pumupunta dito at mas madali ang pagpapalaganap ng kaalaman dahil madaming mall goers ang nakikinig at nakikibahagi dito.

Noong nakaraang taon isinagawa ang Tour of Hope 2008 mula Vigan papuntang Subic. Sa taong ito, tatakbo ng 500 kilometro mula Muntinlupa patungong Camarines Sur ang mga bikers ng Tour of Hope 2009. (MPDC/PIA Batangas) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DepEd expects smooth opening of classes for 1M youth in Region 8
»Grand Santacruzans highlight end of merry month of May
»Tanauan graduates 7th batch of trainees on high-value crops and vegetables
»DepEd identifies hotspots in Region 8 education performance
»Proper hand washing best protection vs H1n1, DepEd says
»Lapus kicks off SY 2009-2010
»Cebuano News: ZamboSur mideklarar sa mga Outstanding Nutrition Program implementers
»Cebuano News: Pilipinas ug Korea nagpirma ug kasabotan kabahin sa EPS
»Cebuano News: Pilipinas magmintinar sa economic growth - Malakanyang
»Cebuano News: PGMA nanawagan sa mga Pilipino sa Korea nga mosalmot sa gov't volunteerism drive
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines