Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/02

Tagalog News: PGMA hinikayat ang mga negosyanteng Koreano na mamuhunan sa bansa

Manila (2 June) -- Hinikayat ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga negosyanteng Koreano na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa pagkakaroon nito ng matatag na ekonomiya at isa sa mga pinakamagandang'investment destination' sa Asya.

Bukas umano sa mga negosyanteng Koreano ang iba't-ibang pamumuhunan sa bansa tulad ng pagmimina, enerhiya, bio-fuels, teknolohiya, turismo at business process outsourcing.

Dagdag pa ng Pangulong Arroyo, maliban sa matatag na ekonomiya ay madalas ring makatanggap ng papuri ang Pilipinas dahil sa katatagan, masisipag na manggagawang sanay magsalita ng English, at gobyernong sumusuporta sa mamumuhunan at nagkakaloob ng fiscal at non-fiscal na insentibo sa mga ito.

Kasunod nito, nangako ang Korea East West Power Co. Ltd. (EWO) na pagmamay-ari ng Korea Electric Power Company (KEPCO) na maglalagay ng $50 milyon sa wind power project sa Alternergy Philippine Holdings Corporation sa Pilipinas. Samantalang ang Export Import Bank ng Korea (KEXIM) ay nangako ring maglalagay ng $150 milyong pautang para tustusan ang mga proyektong wind power na ilalagay ng EWP at Alter-nergy sa bansa.

Hinihimok din ng Pilipinas ang paglalagay ng marami pang renewable energy investments mula sa Republika ng Korea, lalo na sa inisyatibong "Green Growth, Green Cooperation." (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Philippine Eagle Week celebrations bared
»Davao business urged: Explore trading ventures with Belgium
»Euro chamber to send bigger biz mission to Mindanao in August
»R-XI highest in availments of livelihood loan
»Flores de Tagumeņo is Tagum's way of celebrating Santacruzan
»LGU urged to address climate change issue now
»DepEd expects better education after BEAM Project
»CPP/NPA bent on killing rampage, says Army
»Leyte gov reveals PGMA fund assistance for relocation sites of disaster areas
»Southern Leyte to invite Pacquiao as guest on opening day for 49th provincial anniversary
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines