Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/02

Tagalog News: Kapulisan sa Central Mindanao magsisilbing support group ng mga health workers

Manila (2 June) -- Hindi lamang pagpapanatili sa kapayapaan at katahimikan ang trabaho ngayon ng mahigit limang libong (5,000) kapulisan sa buong Central Mindanao dahil sila rin ay magsisilbing support group para sa mga health workers sa buong rehiyon.

Ayon kay Central Mindanao police chief Superintendent Fidel Cimatu, nagka-isa ang lahat ng mga kapulisan sa buong rehiyon na tumulong upang maiwasan ang pagkalat ng influenza A(H1N1) sa lugar.

Ang Central Mindanao region ay binubuo ng mga lalawigan ng North Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato at Saranggani at mga Lungsod ng Cotabato, Kidapawan, Tacurong, Koronadal at Heneral Santos.

Kaugnay nito ang Police Regional Office dito sa rehiyon dose ay nag-organisa ng Regional Pandemic Influenza Task Force na tutulong sa national at local government units (LGUs) sa pagbibigay ng patnubay at advisories hinggil sa swine flu virus.

Pinasalamatan naman ni DOH regional director Dr. Abdullah Dumama ang aktibong partisipasyon ng mga kapulisan sa kampanya laban sa naturang virus. Malaking tulong umano ito upang maseguro ang kalusugan ng mga mamamayan sa buong rehiyon. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Philippine Eagle Week celebrations bared
»Davao business urged: Explore trading ventures with Belgium
»Euro chamber to send bigger biz mission to Mindanao in August
»R-XI highest in availments of livelihood loan
»Flores de Tagumeņo is Tagum's way of celebrating Santacruzan
»LGU urged to address climate change issue now
»DepEd expects better education after BEAM Project
»CPP/NPA bent on killing rampage, says Army
»Leyte gov reveals PGMA fund assistance for relocation sites of disaster areas
»Southern Leyte to invite Pacquiao as guest on opening day for 49th provincial anniversary
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines