Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/03

Tagalog News: Kampanya laban sa A(H1N1) virus, palalakasin ng BHERT

Lucena City (3 June) -- Sa kabila ng ginagawang kampanya ng pamahalaan laban sa A(H1N1) virus, palalakasin naman ng mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang kampanya laban sa nasabing virus upang maging kaagapay ng pamahalaang panglungsod at ng City Health Office sa pagpapatupad ng programamang pangkalusugan kasama na ang pag-iwas sa A(H1N1) virus.

Ito ay isa lamang sa mga napagkasunduan sa ginanap na Orientation on Influenza A(H1N1) para sa 33 barangay sa lungsod ng Lucena kamakailan.

Sa ginanap na orientation, inihayag ni City Health Officer Dr. Wilfredo Frondoza na umaasa siya na magiging handa ang Lucena City sa anumang pangyayari kagaya ng A(H1N1) virus bagama't wala pa namang naitatalang kaso sa lungsod ng Lucena. Idinagdag niya dito na upang mas maging tiyak na ligtas ang mga mamamayan ng lungsod, isa sa mga dapat gawin ay ang maaagap na paghahanda para dito.

Samantala, inihayag naman ni Bokal Romano Franco Talaga ng segunda distrito ng lalawigan ng Quezon na kumakatawan kay Mayor Ramon Y. Talaga, Jr. sa nasabing okasyon na sinusuportahan niya ang programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan

Dagdag pa niya dito na nararapat buksan ang mata at isipan ng lahat sa mga impormasyong maaari nilang makapalap at ibahagi ito sa nakararami. Base umano sa tala ng World Health Organization noong Mayo 13, may 33 bansa sa buong mundo ang may kaso na ng A(H1N1) virus at may 5,728 na ang bilang nga mga taong nabibiktima nito. Aniya, dapat mas maging alerto ang lahat ngayon sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Assistant Health Officer/ Dr. Vincent Martinez na alamin sa mga barangay kung sino ang mga taong nagbabalik- bayan. Aniya, ang lahat ng bansa ay nasa high alert kung kaya't hindi dapat ipagwalang bahala ang nasabing usapin. Bukod dito, highly at risk din umano ang mga kabataan na may edad 5 pababa at ang mga nagdadalang tao.

Iminungkahi naman ni Dr. Nimrod Villanueva, CHD 4-A-DOH Extension Office na muling buhayin ang BHERT. Ang BHERT aniya ang makakatuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng batas, babalangkas ng mga planong pangkalusugan at magpapalakas ng "disease intelligence program" at monitoring ng mga ito. (RMO PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao still free from A/H1N1 flu
»DOLE releases H1N1 guidelines for workplaces
»PIA Davao launches Ugnayang Bayan
»ExeCom Advocate for Peace launches "Race for Peace"
»Panabo has cheapest merchandise in Davao Norte
»SuperFerry ends summer season with "Todo Todo Sail Sale"
»8th Agraryo Trade Fair showcases ARBs' creativity, entrepreneurial spirit
»Region 8 highlights best products of ARBs at 8th Agraryo Trade Fair
»Precautions on A/H1N1: First lesson in public schools in Samar
»CSC Commissioner graces launching of Tanauan Citizen's Charter
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines