Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/03

Tagalog News: Kagamitan para sa MRF, ipinagkaloob ng DENR sa Calauag

Calauag, Quezon (3 June) -- Masayang tinanggap ni Calauag Mayor Eric Entienza ang mga kagamitan para sa Material Recovery Facility (MRF) na ipinagkaloob ni DENR Assistant Sec. Jayjay Suarez noong Sabado, May 23.

Kabilang sa mga ipinagkaloob sa ginanap na turn over ceremony sa municipal plaza sa bayang ito ay ang plastic recycle oven, shredder machine, makina sa paggawa ng uling mula sa mga basura at apat na pedicab. Ang pagkakaloob ng nasabing kagamitan ay kaugnay sa pagpapatupad ng waste management program ng lokal na pamahalaan ng Calauag.

Ayon kay ASEC Suarez, ang mga kagamitan na kanyang ipinagkaloob ay bahagi ng programa nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at DENR Sec. Lito Atienza alinsunod sa Republic Act 9003 (Waste Management Act). Idinagdag niya dito na inaasahan niya na ang material reovery facility ang magiging simula upang maging maayos ang pagtatapon ng basura gayundin ang pagtupad sa recycle method.

Isa sa mga naging tampok na kagamitan na binigyan ng atensiyon ni Suarez ay ang Plastic Recycle Oven kung saan ang plastic wares na itinatapon ay idadaan muna sa shredder machine saka ito ilalagay sa una, kapag ang plastic ay muling nabuo na hitsurang hallow block ay mas matigas at matibay pa.

Kaugnay nito, nagpaala-ala din si ASEC Suarez sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Calauag na ingatan ang nasabing mga kagamitan sapagkat malaki ang maitutulong nito sa pagpapatupad ng R.A 9003 gayundin makatutulong din aniya ito sa kasalukuyang suliranin ng mundo sa climate change. (RMO-PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao still free from A/H1N1 flu
»DOLE releases H1N1 guidelines for workplaces
»PIA Davao launches Ugnayang Bayan
»ExeCom Advocate for Peace launches "Race for Peace"
»Panabo has cheapest merchandise in Davao Norte
»SuperFerry ends summer season with "Todo Todo Sail Sale"
»8th Agraryo Trade Fair showcases ARBs' creativity, entrepreneurial spirit
»Region 8 highlights best products of ARBs at 8th Agraryo Trade Fair
»Precautions on A/H1N1: First lesson in public schools in Samar
»CSC Commissioner graces launching of Tanauan Citizen's Charter
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines