Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/03

Tagalog News: Libreng pagsasanay ukol sa pagnenegosyo para sa mga displaced OFWs at OSYs

Lungsod ng Malolos (3 June) -- Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na makalikha ng mga karagdagang trabaho, nagsasagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Bulacan provincial office ng mga libreng pagsasanay upang makapagbigay ng kaalaman sa pagsisimula ng negosyo.

Ayon kay James Santiago, hepe ng business development division ng DTI Bulacan, ang nasabing training ay isinasagawa ng kanilang tanggapan sa ilalim ng Comprehensive Livelihood Employment and Emergency Program (CLEEP) sa buong buwan ng Hunyo upang matulungan ang mga walang trabaho partikular ang mga nawalan ng hanabuhay, displaced OFWs at out- of-school youths (OSYs).

Anya nanawagan sila sa lahat ng mga nabanggit na sektor na makiisa at lumahok sa nasabing mga training sapagkat ito'y isang magandang pagkakataon at opurtunidad na inihahandog ng Pamahalaang Arroyo upang matugunan ang problema ng kawalan ng trabaho.

Kabilang sa mga libreng pagsasanay ang paggugupit (Hunyo 2), paggawa ng dimsum at pastries (Hunyo 5), basic computer operation partikular sa MS Office at troubleshooting (Hunyo 10), ladies accesssories in beads and wire jewelry making(Hunyo 15), foot spa and massage (Hunyo 19), Adobe photoshop (Hunyo 23) at perfume mixing sa Hunyo 26.

Ito'y palagiang magaganap tuwing ika-1 hanggang ika-5 ng hapon.

Samantala, noong nakaraang buwan ng Mayo umabot sa mahigit 500 displaced OFW at OSYs ang nakapag-avail ng business opportunities seminar bilang bahagi pa rin ng programang CLEEP.

Para sa mga karagdagang kaalaman o impormasyon, maaaring magsadya o tumawag sa DTI-Bulacan Provincial Office, 2nd Floor BFCCI Bldg., MacArthur Highway, Sumapang Matanda, Malolos City, Bulacan na may telepono bilang (044) 791-0113. (PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao still free from A/H1N1 flu
»DOLE releases H1N1 guidelines for workplaces
»PIA Davao launches Ugnayang Bayan
»ExeCom Advocate for Peace launches "Race for Peace"
»Panabo has cheapest merchandise in Davao Norte
»SuperFerry ends summer season with "Todo Todo Sail Sale"
»8th Agraryo Trade Fair showcases ARBs' creativity, entrepreneurial spirit
»Region 8 highlights best products of ARBs at 8th Agraryo Trade Fair
»Precautions on A/H1N1: First lesson in public schools in Samar
»CSC Commissioner graces launching of Tanauan Citizen's Charter
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines