Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/03

Tagalog News: Ika-111 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan, ipagdidiwang sa Bulacan

Lungsod ng Malolos (3 June) -- "Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan: Tungo sa Tunay na Kalayaan."

Ito ang magiging tema sa gaganaping pagdiriwang ng ika-111 taong anibersaryo ng Araw ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas sa Hunyo 12, 2009 sa makasaysayang simbahan ng Barasoain ng nabanggit na lungsod.

Sisimulan ang nasabing pagdiriwang sa isang parada sibiko at militar na lalahukan ng mga beterano, guro, barangay leaders, estudyante,at mga opisyal ng pamahalaang lokal at nasyonal.

Ito ay magsisimula sa Kapitolyo ng lalawigan at sa Malolos Central School at magtatagpo sa harap ng simbahan ng Barasoain.

Matapos ang isasagawang parada, pangungunahan ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Sec. Jeslie Lapuz, panauhing pandangal at tagapasalita ang pagtataas ng watawat at ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo.

Bilang bahagi rin ng nasabing pagdiriwang at tugon sa panawagan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na makalikha ng mas maraming trabaho ngayon araw ng kalayaan katatampukan ang pag-aabot ng mga employment contracts, appointments, training vouchers at livelihood grants sa mga manggagawa.

Gaganapin din sa araw na iyon ang pormal na pagbubukas at paglulunsad ng "Kalayaan Regional Job and Livelihood Fairs sa pangunguna ni Sec. Lapuz.

Bilang panghatid saya pagsapit ng dilim ay magsasagawa din ng isang konsyerto, mga pagtatanghal at fireworks display. (PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao still free from A/H1N1 flu
»DOLE releases H1N1 guidelines for workplaces
»PIA Davao launches Ugnayang Bayan
»ExeCom Advocate for Peace launches "Race for Peace"
»Panabo has cheapest merchandise in Davao Norte
»SuperFerry ends summer season with "Todo Todo Sail Sale"
»8th Agraryo Trade Fair showcases ARBs' creativity, entrepreneurial spirit
»Region 8 highlights best products of ARBs at 8th Agraryo Trade Fair
»Precautions on A/H1N1: First lesson in public schools in Samar
»CSC Commissioner graces launching of Tanauan Citizen's Charter
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines