Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/04

Tagalog News: Mga Mindoreno, pinaghahanda laban sa mga kalamidad

Calapan City (4 June) -- May dalawang taon matapos na salantain ang Oriental Mindoro ng sunud-sunod na mga bagyo at pagbaha na sumira sa milyun-milyon pisong halaga ng ari-arian at kumitil sa buhay ng ilan nating mga kababayang Mindoreņo, mapalad ang lalawigan dahil hindi pa ito nasusundan ng mga katulad na kalamidad.

Subalit hindi ito dahilan upang hindi maghanda at magsagawa ng mga kinakailangang hakbangin ang mga konsernadong ahensya bilang paghahanda sa pagdating ng mga kalamidad na ito.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) noong ika-25 ng Mayo sa Kapitolyo.

"Ang Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) ang highest coordinating body sa lalawigan sa disaster response and management. Hindi dahil sa may dalawang taon na tayong hindi nasasalanta ng mga kalamidad ay magiging pabaya na tayo sa ating mga paghahanda. Mahalaga na lagi tayong may nakaplanong mga hakbangin anumang oras sakali mang may mga trahedya o kalamidad na dumating sa ating lalawigan. Mahalaga ang mga ito upang mabawasan kundi man maiwasan ang mga pinsala at kapahamakang maaaring idulot ng mga kalamidad na ito sa buhay at ari-arian ng ating mga kababayan," paliwanag ng Gobernador.

Ang PDCC ay kasalukuyang pinangangasiwaan ni Provincial Administrator Atty. Adel C. Abas bilang Civil Defense Deputized Coordinator sa lalawigan.

"Sa kasalukuyan, mayroon nang walong officially designated city/municipal disaster action officers. Dahil tayo ang mga nasa frontline ng disaster response and management sa ating lalawigan, hinihikayat natin ang lahat ng mga bayan na magkaroon ng kani-kaniyang disaster action officers na mangunguna at mangangasiwa sa pagresponde sa panahon ng mga kalamidad," paliwanag ni PA Abas.

Kabilang sa mga dumalo sa gawain sina Bishop Warlito Cajandig, PNP Provincial Dir.. PS/Supt Alberto C. Supapo, Philippine Army 203rd Brigade Commander Brig.Gen. Bonifacio De Castro, mga opisyal at kinatawan ng iba't ibang lokal na pamahalaan, mga ahensya ng pamahalaang nasyunal at Pamahalaang Panlalawigan.

Sa gawain, inatasan ni Gobernador Arnan ang binuong Task Force H1N1, na pinamumunuan nina Provincial Administrator Abas at Provincial Health Officer Normando Legaspi, na pag-ibayuhin ang pagmo-monitor ng sitwasyon sa lalawigan kaugnay sa nasabing sakit. Bagamat wala pang kumpirmadong kaso ng H1N1 sa lalawigan, binigyang-diin ng Gobernador ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang maaaring mangyari.

"Inaatasan natin ang ating Task Force H1N1, sa pangunguna nina PA Abas at PHO Legaspi, na maki-pakipag-coordinate sa ating municipal health officers kaugnay sa pagmo-monitor sa sitwasyon ng H1N1 sa kanilang mga nasasakupan. Kinakailangan din ang patuloy natning pagsasagawa ng information campaign upang maipalaganap ang mga wastong kaalaman ukol sa sakit na ito. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mga orientation sa ating mga health personnel, hanggang sa barangay level para maging updated ang ating mga kababayan tungkol sa H1N1," ayon pa sa Gobernador.

Kaugnay nito, sinabi ni Bishop Cajandig na depende sa sitwasyon, maaari nilang ipagbawal sa Simbahan ang paghahawak ng kamay sa loob ng banal na misa na sinasabing isang paraan upang maiwasan ang paglaganap ng nabanggit na sakit.

Natalakay din sa pagpupulong ang disgrasyang sinapit ng mga pasahero ng lumubog na M/B Commando 6 noong Mayo 23 sa may karagatan malapit sa Batangas. Sakay ang may 67 pasahero kung saan 12 ang kumpirmadong nasawi, patungo sana ng Puerto Galera ang nabanggit na bangka nang diumano'y sirain ng malalaking alon ang mga katig nito dahilan upang ito'y bumaligtad at tuluyang lumubog.

"Ang Coast Guard at iba pang mga ahensyang may kaugnayan sa paglalayag ng mga barko, ay kinakailangang maging istrikto sa pagpapatupad ng mga batas at panuntunan sa paglalayag ng ating mga barko at iba pang sasakyang pandagat dahil dito nakasalalay ang buhay ng ating mga pasahero. Sa paglubog ng Commando 6 sa may dagat malapit sa Batangas, inaatasan natin ang ating Provincial PNP, at si PA Abas na i-follow up ang imbestigasyon tungkol dito. Nagpapasalamat din tayo sa ating mga lokal na opisyal, sa Puerto Galera, sa ating PNP, sa ating PDRT at sa Provincial Tourism Office sa pag-aksyon nila at hindi pagpapabaya sa insidenteng ito," ayon sa Gobernador.

Ang PDCC ay binubuo ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan na nahahati sa service committees na nakatutok sa iba't ibang aspeto ng mga paghahanda sa pagdating ng mga kalamidad at trahedya sa lalawigan. Ito ay kinabibilangan ng mga komite ng communications, rescue and recovery, transportation, health, at relief and rehabilitation. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 596 displaced in Region XI, DOLE says
»101 NGOs register with DSWD
»Tagum City conducts CIVOTESPRO qualifying examination
»People's health never sacrificed for Davao's rich harvests - PBGEA
»Establishment of Mindanao Cancer Center in Tagum City pushed
»Davao Oriental PENRO strengthens info education campaign on global warming
»Livelihood programs for R-XI workers offered
»Zambales PDCC moves to combat A(H1N1) virus
»836 patients get medical treatment
»DOH warns public on fake drugs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines