Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/04

Tagalog News: Paghahatid ng mga programang pangkaunlaran sa mga barangay, pinag-iibayo sa Oriental Mindoro

Calapan City (4 June) -- Sapagkat ang mga ito ang pundasyon, ang mga barangay na pinakamababa sa istrukturang pampulitika sa ating bansa ang may pinakamahalagang papel na ginagampanan sa kaunlaran. Kapag pinatatag ang mga pundasyong ito, titibay ang mga bayan na magbubunsod ng matatag na kaunlaran para sa lalawigan.

Sa Barangay Papandungin sa bayan ng Gloria, personal na ipinagkaloob ni Gobernador Arnan ang tsekeng nagkakahalaga ng P50,000 kay Brgy. Councilor Ronilo Jamilla na pangulo ng Samahang Iaangat ang Kaantasan ng Pamumuhay sa Papandungin bilang tulong-puhunan sa kanilang swine raising project.

Sumaksi sa okasyon sina Board Member Ferdinand Thomas Soller, Mayor Romeo Alvarez at Vice-Mayor Loreto Perez.

Ang naturang barangay ay benepisyaryo ng programang pangkabuhayang Literasi at Kasanayan sa Hanapbuhay sa Kalibliban (LIKHA KA) ng Pamahalaang Panlalawigan.

Naging tampok na gawain ang pagkakaloob ng tulong puhunan sa ginanap na pangkalahatang pagpupulong ng barangay.

Mainit na pagtanggap at taus-pusong pasasalamat ang ipinakita ng mga taga-barangay sa Gobernador sa pagbisita at sa pagkakaloob ng tulong sa kanilang lugar.

Ang mga programang pangkabuhayan ay mahalaga para sa ating mga kababayan sapagkat kapag ganitong mahirap ang buhay ay kailangang mayroong dagdag na pagkakakitaan, ang pahayag ng Gobernador. Hindi lamang, aniya, ang 25 myembro ng samahan ang makikinabang sa proyektong ito ng LIKHA KA kundi ang buong barangay.

Bukod sa Papandungin, ayon sa Gobernador tatlo pang barangay ang benepisyaryo ng LIKHA KA sa Gloria na kinabibilangan ng Mirayan, Malubay ay Malayong. Umaabot na sa 76 na barangay sa lalawigan ang kabilang at nakikinabang na ng malaki sa programa.

Ibinahagi din ng Gobernador na ipatutupad na ang isang milyong road concreting project na naipangako niya noong nakaraang barangay assembly.

Makakaasa ang mga taga-Papandungin na buo ang suporta sa kanilang barangay at sa kanilang bayan ng Pamahalaang Panlalawigan at maging ng Sangguniang Panlalawigan, ang pahayag ni Bokal Soller.

Mula pa noong 2004 hanggang sa kasalukuyan, sa pamumuno ni Gobernador Arnan lahat ng dalawampu't anim na barangay sa bayan ng Gloria ay napagkalooban na ng mga programa't serbisyong panlipunan ng Pamahalaang Panlalawigan tulad ng road concreting, water system, mga tulong puhunan, suporta sa agrikultura at libreng health insurance. Ayon sa Gobernador, makakaasa ang mga ito na pinag-iibayo ng pamahalaan ang pagtataguyod ng kagalingan ng mga barangay upang higit pang umunlad ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Napakalaking bagay sa isang barangay ang madalaw ng Gobernador at mapalad ang lalawigan sa pagkakaroon ng Gobernador na tulad ni Gobernador Arnan, ang paabot ni Mayor Alvarez. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 596 displaced in Region XI, DOLE says
»101 NGOs register with DSWD
»Tagum City conducts CIVOTESPRO qualifying examination
»People's health never sacrificed for Davao's rich harvests - PBGEA
»Establishment of Mindanao Cancer Center in Tagum City pushed
»Davao Oriental PENRO strengthens info education campaign on global warming
»Livelihood programs for R-XI workers offered
»Zambales PDCC moves to combat A(H1N1) virus
»836 patients get medical treatment
»DOH warns public on fake drugs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines