Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/04

Tagalog News: Regular na pagsasanay sa mga guro, isinasagawa ng Oriental Mindoro

Calapan City (4 June) -- Ang programang pang-edukasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ay nakatuon sa pagpapahusay ng kalidad ngmga guro kung kaya't nagsasagawa ng mga pagsasanay upang higit pang hasain ang kaalaman ng mga ito.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan nang siya ay naging panauhin sa Summer Camp para sa may 200 guro sa ilalim ng Programang Pang-edukasyon sa Kalibliban o PPSKA.

Ayon sa Gobernador, hindi dapat tumigil sa pag-aaral sapagkat lahat ng kaalaman at mga impormasyon ay nagbabago, nadagdagdagan at kailangang umaangkop ang ating mga guro sa mga pagbabagong ito. Aniya pa'y ipinagmamalaki niya ang mga PPSKA teachers dahilan sa malaki ang kanilang kontribusyon upang isulong ang edukasyon sa lalawigan.

Ang programang PPSKA, dagdag pa ng Gobernador, ang tugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa kakulangan ng Department of Education ng mga guro lalo na sa mga liblib na barangay sa lalawigan. Hindi man tuwirang responsibilidad ng mga pamahalaang lokal ang edukasyon sapagkat poder ito ng Pamahalaang Nasyunal ngunit isa ito sa prayoridad na programa ng kanyang pamunuan.

Ang summer camp na idinaos sa Retreat House ng Benedictine Nuns sa Brgy. San Rafael sa Lungsod ng Calapan noong Mayo 19-23 ay naglalayong madagdagan ang kaalaman ng mga guro sa mga bagong pamamaraan ng pagtuturo ng English, Science at Mathematics. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 596 displaced in Region XI, DOLE says
»101 NGOs register with DSWD
»Tagum City conducts CIVOTESPRO qualifying examination
»People's health never sacrificed for Davao's rich harvests - PBGEA
»Establishment of Mindanao Cancer Center in Tagum City pushed
»Davao Oriental PENRO strengthens info education campaign on global warming
»Livelihood programs for R-XI workers offered
»Zambales PDCC moves to combat A(H1N1) virus
»836 patients get medical treatment
»DOH warns public on fake drugs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines