Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/04

Tagalog News: Barangay waterworks project sa Oriental Mindoro, pormal nang pinasinayaan

Calapan City (4 June) -- Pormal nang pinasinayaan ang waterworks project ng Barangay San Gabriel sa bayan ng Victoria.

Ang pagpapasinaya na pinangunahan ni Gobernador Arnan katuwang si Kapitan Nestor Hernandez ay hudyat nang pagsisimula na ng pagdaloy ng malinis na tubig na siyang lubhang kailangan ng isa sa mga liblib na barangay ng nabanggit na bayan. Saksi rin dito si 1st District Board Member Abraham Abas, Barangay Waterworks Association President Amado Vergara at iba pang mga opisyal ng barangay.

Ang proyekto na pinondohan ni dating Congreswoman Charity Leviste ng humigit-kumulang sa P1M ay ipinagpatuloy na itinaguyod ng pamunuan ni Gobernador Arnan upang mapakinabangan ng may dalawang daang pamilya sa barangay.

Ayon kay Gobernador Arnan, napakalahaga ng nasabing proyekto sapagkat, kumpara sa ibang mga pagawain na maaaring pansamantalang ibalam, ang tubig ay araw-araw na kailangan ng bawat mamamayan. Ang tubig, aniya pa, ay para sa kalusugan at kalinisan at buhay na nararapat na laging i-prayoridad at pangalagaan.

Samantala, sa harap ng mga sumaksi sa okasyon ay malugod na ibinalita ni Gobernador Arnan ang isang napakahalagang proyektong ipapatupad ng Pamahalaang Panlalawigan para sa barangay San Gabriel ngayong taon.

"Bago po matapos ang taong 2009, ang Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim po ng pamunuan ng inyong lingkod ay magtataguyod dito sa Barangay San Gabriel ng P1M road concreting project. Ito po ay hindi lamang isang pangako sapagkat akin na pong inaprubahan ang pondong gagamitin para sa proyektong aking binabanggit," ayon kay Gobernador Arnan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 596 displaced in Region XI, DOLE says
»101 NGOs register with DSWD
»Tagum City conducts CIVOTESPRO qualifying examination
»People's health never sacrificed for Davao's rich harvests - PBGEA
»Establishment of Mindanao Cancer Center in Tagum City pushed
»Davao Oriental PENRO strengthens info education campaign on global warming
»Livelihood programs for R-XI workers offered
»Zambales PDCC moves to combat A(H1N1) virus
»836 patients get medical treatment
»DOH warns public on fake drugs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines