Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/04

Tagalog News: Pamamahagi ng libreng health insurance, nagpapatuloy

Calapan City (4 June) -- Sa hangaring masaklaw ng programa ang may isandaang libong mahihirap na pamilyang Mindoreņo, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng libreng health insurance ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa pinakahuling pamamahagi, noong Mayo 19, mayroong 279 na pamilyang makikinabang sa programa ang pinagkalooban sa Brgy. Managpi sa Lungsod ng Calapan.

Tinanggap mula kay Gobernador Arnan ni Brgy. Capt. Ernesto Viņas ang mga Philhealth ID cards ng kanyang mga kabarangay. Sumaksi rin sa gawain si Board Member Abraham Abas.

Noong Mayo 20, mayroong 122 pamilya naman ang nakatanggap ng kanilang mga health insurance sa Brgy. Tawagan.

Kasama ng Gobernador sa pamamahagi si Brgy. Capt. Anacleto Baculo at ang kaniyang Sangguniang Barangay.

Ayon sa Gobernador, isa sa mga pangunahing programa ng kanyang pamunuan ang pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan dahilan sa nakikitang mabisa itong solusyon upang labanan ang kahirapan. Aniya pa'y kapag malusog ang indibidwal, makakapag-aral ng maayos, makakapagtrabaho at magkakaroon ng hanapbuhay para sa kanyang pamilya.

Walang hanggang pasasalamat ang paabot ng dalawang kapitan ng barangay sa Gobernador sapagkat kahit 426 na barangay na ang kanyang pinaglilingkuran ay hindi nagbabago ang pagtugon nito sa mga pangangailangan ng mga barangay sa lungsod ng Calapan.

Samantala, 172 ID cards naman ang itinurn-over ni Gobernador Arnan kay Kapitan Efren Bale ng Barangay Pachoca.

Ayon kay Kapitan Bale, napakalaking tulong ang naibibigay nito sa mga benepisyaryo ng libreng health insurance at maging sa mga katulad nilang opisyal ng barangay. "Napakalaking tulong po Governor ang health insurance lalo na po sa mga mahihirap naming ka-barangay. Hindi na po ganoon kalaking problema ang gastos sa pagpapaospital sapagkat malaki po ang sinasagot na ng Philhealth," paliwanag ni Kapitan Bale.

Ayon sa Gobernador, ang pagkakaloob ng libreng health insurance ay bahagi ng kanyang mawalakang programang pangkalusugan kung saan kabilang ang pagtatayo ng bagong Provincial Hospital at pagsasaayos ng lahat ng mga pampublikong ospital.

Iturn-over din ng Gobernador kay Kapitan Bale at SK Chairman Carla Jean Facinal ang isang computer set na higit ngayong magpapabilis ng mga transaksyon sa baranagay.

Inaprubahan din ng Gobernador ang hiling ng sangguniang barangay para sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapakongkreto ng kalsada at pagpapailaw sa dalawang pinakadulong bahagi ng barangay. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 596 displaced in Region XI, DOLE says
»101 NGOs register with DSWD
»Tagum City conducts CIVOTESPRO qualifying examination
»People's health never sacrificed for Davao's rich harvests - PBGEA
»Establishment of Mindanao Cancer Center in Tagum City pushed
»Davao Oriental PENRO strengthens info education campaign on global warming
»Livelihood programs for R-XI workers offered
»Zambales PDCC moves to combat A(H1N1) virus
»836 patients get medical treatment
»DOH warns public on fake drugs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines