Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/04

Tagalog News: Oriental Mindoro, nakiisa sa pagdiriwang ng National Flag Day

Calapan City (4 June) -- Nakiisa ang Oriental Mindoro sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang iba't ibang ahensya ng pamahalaang nasyunal sa pagdiriwang ng National Flag Day noong Mayo 28 bilang paghahanda sa pagdiriwang ng 111th Independence Day sa Hunyo 12.

Sa gitna ng init ng araw, nagsama-sama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, Pamahalaang Lungsod ng Calapan, at iba't ibang ahensya ng pamahalaang nasyunal upang makiisa sa pambansang pagdiriwang ng Araw ng Watawat.

Sinimulan ang programa sa pagpasok ng parade of colors na pinangunahan ng Philippine National Police kasama ang mga opisyal at hepe ng iba't ibang tanggapan sa pamahalaan.

Sama-sama at madamdaming inawit ang Lupang Hinirang sa pangunguna ni Maria Ruth Reyes ng Pamahalaang Panlalawigan. Pinamunuan naman ni Bianca Infantado ng LEMNAHIS ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas at ang pag-awit ng Pilipinas Kong Mahal ni Pricious Malbog.

Sa programa, naging panauhing tagapagsalita sina Commander Nestor Panahon, kinatawan ni Gobernador Arnan, City Mayor Salvador Leachon, DENR MIMAROPA Regional Technical Director for Research Dr. Edgardo Vendiola, at DENR MIMAROPA Regional Executive Director Marcial Amaro, Jr.

Binigyang-diin ni Commander Panahon ang pagkakaroon ng inisyatiba sa pagpapakita ng pagiging makabayan sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan para sa pagkakaroon ng maunlad na kinabukasan.

Ibinigay namang halimbawa ni City Mayor Salvador Leachon ang pagkakaroon ng sapat tiwala sa sarili at sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaan bilang manipestasyon ng pagiging makabayan.

Muling ipinaalala ang kasaysayan ng pinagmulan at kung paano nabuo ang watawat ng Pilipinas ni Dir. Vendiola.

Nanawagan naman si Regional Executive Dir. Amarao sa mga mamamayan ng bansa na gawin ang pagiging makabayan hindi lamang sa Araw ng Watawat o Araw ng Kalayaan kundi sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

Samantala, nagtapos ang pagdiriwang sa motorcade kung saan inilibot sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ang iba't ibang uri ng watawat na umambag sa pagkakabuo ng kasalukuyang pambansang sagisag ng Pilipinas.

Kabilang sa mga dumalo sa gawain sina PNP Provincial Director Col. Alberto C. Supapo at 28th Infantry Brigade Commanding Officer Bonifacio De Castro, Schools Division Superintendent Estrelita Dolor, Asst. Schools Division Superintendent Araceli Salmorin, DEPED City Division Supt. Veneranda Atienza, Education Supervisor Annie Jandusay, PHRMO Lisa Paala, Provincial Treasurer Paz Fortunato at iba pang mga hepe, kinatawan at kawani ng iba't ibang ahensya ng pamahalaa sa lalawigan.

Samantala. makabuluhang ipagdiriwang ngayong taon sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang ika-111 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo..

Ito ang buod ng pagpupulong na pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Adel C. Abas at dinaluhan ng mga opisyal at kinatawan mulasa iba't ibang ahensya ng pamahalaang nasyunal at pamahalaang lokal sa Kapitolyo kamakailan.

May temang "Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan Tungo sa Tunay na Kalayaan", ang pagdiriwang ay bubuuin ng iba't ibang gawaing magpapakita ng pagmamahal sa bayan at ang mga pagsisikap ng pamahalaan upang masolusyunan o maibsan ang lumalalang suliranin sa kahirapan.

Kabilang sa magiging gawain sa okasyon ang pagkakaloob ng appointment at mga kontrata sa mga benepisyaryo ng NARS program, pagkakaloob ng TESDA scholarships, Job and Livelihood Fair ng Department of Labor and Employment, at livelihood assistance sa mga matutukoy na benepisyaryo.

Kabilang sa nakaplanong gawain ang pagkakaloob ng appointment sa mga nakapasang aplikante sa mga deklaradong bakanteng posisyon sa iba't ibang tanggapang pangrehiyon kasama na rito ang pagbibigay ng kontrata ng pagtatrabaho sa mahigit 134 nakapasang aplikante sa NARS program; pagkakaloob ng libreng pag-aaral sa may 300 kwalipikadong estudyante sa ilalim ng programa ng Technical Education and Skills Development Authority; Job and Livelihood Fair sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Labor and Employment, at ang pagkakaloob ng mga tulong pangkabuhayan sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Hunyo 11 pa lamang, nakatakdang mag-motorcade ang iba't ibang ahensya sa pangunguna ng Department of Education para sa gaganaping pagdiriwang sa Hunyo 12.

Sa mismong araw ng pagdiriwang, isang programa ang gaganapin sa Kapitolyo na sisimulan ng noise barage kasunod ang simbolikong pagtataas ng watawat ng Pilipinas.

Susundan ito ng pambansang awit sa pangunguna ng Provicial Tourism Office at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas bilang panimula ng itinakdang programa. Pagkatapos ay ang pagkakaloob ng kontrata/pagtatalaga sa trabaho, at pagkakaloob ng training vouchers at livelihood assistance na pangungunahan ni Gob. Arnan C. Panaligan kasama sina 1st District Representative Rodolfo G. Valencia, City Mayor Salvador Leachon at ang mga konsernadong regional director ng iba't ibang ahensya ng pamahalaang nasyunal.

Kasabay rin nito ang pormal na pagbubukas ng Job and Livelihood Fair para sa job seekers.

Magiging bahagi rin ng pagdiriwang ang isasagawang SCUBASURA ng Shell Malampaya na hihikayat sa mga residenteng nasa baybaying aplaya na maglinis ng mga basurang nakakalat partikular ang pag-iwas ng pagtatapon nito sa karagatan. Upang bigyang-diin sa gawain ang pangangalaga ng karagatan, nakatakdang maglunsad ang Malampaya sa araw na iyon ng pakontes sa paramihan ng makukuhang basura sa ilalim ng karagatan sa tulong ng asosasyon ng mga maninisid. Magkakaloob ang Malampaya ng kaukulang premyo sa grupong makakakuha ng may pinakamaraming basura.

Isasagawa naman sa ganap na ika-6:00 ng gabi ang cultural night na tatawaging Konsyerto Para Sa Kalayaan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 596 displaced in Region XI, DOLE says
»101 NGOs register with DSWD
»Tagum City conducts CIVOTESPRO qualifying examination
»People's health never sacrificed for Davao's rich harvests - PBGEA
»Establishment of Mindanao Cancer Center in Tagum City pushed
»Davao Oriental PENRO strengthens info education campaign on global warming
»Livelihood programs for R-XI workers offered
»Zambales PDCC moves to combat A(H1N1) virus
»836 patients get medical treatment
»DOH warns public on fake drugs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines