Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/04

Tagalog News: Suporta sa mga barangay, higit pang pinaiigting

Calapan City (4 June) -- Lubos ang suportang ipinakikita ng kasalukuyang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba't ibang barangay sa buong lalawigan.

Ika-21 ng Mayo, nakiisa si Gobernador Arnan sa pagdiriwang ng pista ng mga barangay ng Sta. Rita at Pagalagala, ang dalawa sa pinakamalalaking barangay sa Pinamalayan na isa sa pinakamalalaking bayan sa buong lalawigan. Pinangungunahan ito nina Kapitan Antonio Olympia ng Sta. Rita at Kapitan Benhur Manay ng Pagalagala.

Kasama ng Gobernador sa dalawang okasyon ang pinakamasisipag at pinakamasisigasig na kasapi ng Sangguniang Panlalawigan mula sa ikalawang distrito na sina Bokal Romeo Buenaventura at Bokal Ferdinand Thomas M. Soller. Nakiisa rin sa okasyon si Bokal Corazon Agarap.

Sa magkasunod na pagdiriwang, kapwa pasasalamat sa patuloy na suportang ipinagkakaloob ng mga taga-barangay ang pahatid ng mga panauhing opisyal ng lalawigan.

"Ang pagdalo po namin sa inyong kasayahan ay pagpapakita ng aming pasasalamat sa patuloy na suportang ipinagkakaloob ninyo sa amin at sa aming mga pamilya," ayon kay Bokal Soller.

Si Bokal Soller ay isa sa mga pinaka-aktibong katuwang ni Gobernador Arnan sa pagsusulong ng mga proyekto at programang pangkaunlaran ng Pamahalaang Panlalawigan.

Samantala, ipinaalala naman ni Bokal Buenaventura, na taal na taga-Pinamalayan, ang napakalaking suportang ibinubuhos ni Gobernador Arnan hindi lamang sa mga barangay ng Sta. Rita at Pagala-gala kundi maging sa buong bayan ng Pinamalayan.

"Isa pong magaling na lider si Governor Arnan sapagkat hindi lamang iilang barangay dito sa Pinamalayan ang kanyang pinagkakalooban ng mga proyekto kundi ang buong bayan ay binubuhusan niya ng mga programang pangkaunlaran," ayon kay Bokal Buenaventura.

Buong pagmamalaki namang inilahad ni Gobernador Arnan ang hindi na mabilang at malalaking proyektong kanya nang naihatid para sa bayan ng Pinamalayan.

"Simula po nang manungkulan ang inyong lingkod bilang Gobernador, malalaking proyekto na po ang aming naihatid dito sa Pinamalayan. Mula po sa pagpapakongkreto ng mg kalsada, pagpapagawa ng mga paaralan, day care center, barangay hall, tulay at iba pang pagawaing bayan ay naipagkaloob ng Kapitolyo dito sa inyong bayan. At isa po sa pinakamalaking proyektong aming itataguyod dito sa Pinamalayan ngayong taon ay ang pagsasaayos ng Pinamalayan Hospital. May nakalaan na pong P27 milyon para rito at sa mga susunod na buwan ay sisimulan na ang isa sa mga pinakamalalaking proyektong pangkalusugan ng aking administrasyon dito sa Pinamalayan," ayon sa Gobernador. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 596 displaced in Region XI, DOLE says
»101 NGOs register with DSWD
»Tagum City conducts CIVOTESPRO qualifying examination
»People's health never sacrificed for Davao's rich harvests - PBGEA
»Establishment of Mindanao Cancer Center in Tagum City pushed
»Davao Oriental PENRO strengthens info education campaign on global warming
»Livelihood programs for R-XI workers offered
»Zambales PDCC moves to combat A(H1N1) virus
»836 patients get medical treatment
»DOH warns public on fake drugs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines