Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/04

Tagalog News: Mekanisasyon sa pangisdaan, tatalakayin sa Los Baņos

by RE Taningco

Los Baņos, Laguna (4 June) -- Sa pagtutulungan ng Asian Fisheries Academy, National Fisheries Research and Development Institute ng Department of Agriculture, at Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD) ng Department of Science and Teachnology ay isasagawa ang First National Summit on Mechanization in Aquaculture sa darating na Hunyo 24-25, 2009 sa Asian Fisheries Academy sa NIFTDE-BFAR sa Bonuan, Binloc, Dagupan City sa Pangasinan na ang tema ng pagtitipon ay "Makabagong Pangisdaan Tungo Sa Masaganang Pamumuhay." Ito ang napag-alaman mula kay Dr. Rafael D. Guerrero III, Executive Director ng PCAMRD.

Layunin ng pulong na lalahukan ng mga kumakatawan sa industriya ng pangisdaan ayon kay Dr. Guerrero na makilala ang mga nasa pamilihan ng kagamitan na maaaring maiangkop sa pamamaraan ng pangangasiwa sa mga palaisdaan upang maitaas ang antas ng produksyon; at mabalangkas ang isang limang-taong (five-year) gabay para upang ganap na maisagawa ang malawakang paggamit ng mga makinarya sa pagpapalaki ng ani mula sa mga lawa at sapa sa buong bansa.

Isang katotohanan ayon kay Dr. Guerrero, na kung pagtutunan lamang ng malalim na pagsusuri, maraming nasa pamilihan ng kagamitan na ginagamit sa ibang industriya na maiaangkop sa pangangailangan sa pangisdaan, at marami rin namang pangangailangan sa pangisdaan na kung mauunawaan lamang ng mga nagdidisenyo ng mga kagamitan ay madaling malilikha ito, at ang pagsasalubong ng mga kaisipang ito ay sisikapin mapag-usapan sa summit.

Para sa mga karagdagang kabatiran ukol sa First Summit on Mechanization in Aquaculture, ang mga may katanungan ay maaaring makipag-ugnayan kay Bb. Zenaida C. Pamulaklakin sa Research Information Utilization Division ng PCAMRD sa telepono bilang (049) 536-5577. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 596 displaced in Region XI, DOLE says
»101 NGOs register with DSWD
»Tagum City conducts CIVOTESPRO qualifying examination
»People's health never sacrificed for Davao's rich harvests - PBGEA
»Establishment of Mindanao Cancer Center in Tagum City pushed
»Davao Oriental PENRO strengthens info education campaign on global warming
»Livelihood programs for R-XI workers offered
»Zambales PDCC moves to combat A(H1N1) virus
»836 patients get medical treatment
»DOH warns public on fake drugs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines