Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/05

Tagalog News: Palasyo, pinapurihan ang Kamara sa pagpapalawig ng CARP

Manila (5 June) -- Pinapurihan ng Malacaņang ang Kamara o House of Representatives sa pagpasa ng batas para sa pagpapalawig ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Anthony Golez na nakuha ng mga magsasaka ang katarungang inaasam nila.

Maliban sa pagpapalawig ng CARP ng limang taon, nakasaad din sa batas ang paghahanay ng 100 bilyong pisong pondo na gagamitin sa land acquisition and distribution, support services, agrarian justice delivery at iba pang funding requirements sa panahon ng extension period.

Sakop ng kautusan na ito ay ang mga pampubliko at pribadong agricultural lands na nakasaad sa Proclamation 131 at Executive Order No 229 kabilang na ang ibang lupain ng pubic domain na karapat dapat na pang-agrikultura.

Nakasaad din sa batas ang paglikha ng joint congressional oversight committee na kabibilangan ng tatlong miyembro mula sa Senado at tatlo din mula sa Kamara.

Matatandaan na ang CARP o RA 6657 ay natapos na noong Disyembre 2008. Noong buwan ding yun, nagpasa ng resolusyon ang Kongreso na palawigin pa ang CARP ng anim na buwan o hanggang Hunyo 30, 2009 upang bigyan ng sapapt na panahon ang Department of Agrarian Reform na maituloy ang mandato nito habang wala pa ang bagong batas na magpapalawig ng operasyon ito.

Noong nakaraang buwan, ipinahayag ni Pangulong Gloria Arroyo na urgent ang extension bill. Noong Hunyo 3, inapruba ng Kongreso ang CARP extension bill sa third and final reading . Ipinasa naman ng Senado ang sarili nitong bersyon noong Lunes.

Ang pinal na bersyon ng consolidated bill ay magagawa sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso sa huling linggo ng Hulyo. (VMHS/PIA-Pangasinan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC Comval puts forth journal
»175 nurses land job through NARS
»DOH plans AH1N1 testing lab in Davao
»Feature: Garantisadong Pambata program in Tagum City
»Mindanao students ride the JEEP project to better English
»10,000 jobs up for grabs on June 12 jobs fairs
»Palace hails House for extending CARP
»PGMA appoints actor Cesar Montano as special envoy
»With reforms, RP unlikely to slip into recession - JFC
»DOH reports 7 new cases of Influenza A(H1N1)
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines