Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/05

Tagalog News: Relief at rehabilitation assistance para sa mga IDPs sa Mindanao

Koronadal City (5 June) -- Maraming bilang ng mga evacuees mula sa mga komunidad na apektado ng kaguluhan sa Mindanao ang nakatakdang tatanggap ng relief at rehabilitation assistance mula sa pamahalaan ng Pilipinas at European Commission (EC) sa pamamagitan ng proyektong pinangalanang Strengthening Response to Internal Displacement in Mindanao (Stride-Mindanao).

Ang Stride-Mindanao ay bagong component ng GOP-UN Act for Peace na iniimplementa ng Mindanao Economic Development Council (MEDCo) at ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang tatlong milyong Euro na halaga ng mga proyekto na pinondohan ng European Commission ay malaking tulong para sa patuloy na implementasyon ng programang Rehabilitating Internally Displaced Persons and Communities in Southern Philippines (IDP Programme). Ito ay sinuportahan ng EC simula pa noong taong 2002 hanggang 2004 matapos magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naging dahilan ng paglikas ng ilang mga residente sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, humigit kumulang tatlumpung komunidad sa mga lalawigan ng Sarangani, Sultan Kudarat, South Cotabato, Lanao del Norte, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Sulu, Basilan, North Cotabato at Maguindanao ang magiging beneficiaries ng programang Stride-Mindanao. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC Comval puts forth journal
»175 nurses land job through NARS
»DOH plans AH1N1 testing lab in Davao
»Feature: Garantisadong Pambata program in Tagum City
»Mindanao students ride the JEEP project to better English
»10,000 jobs up for grabs on June 12 jobs fairs
»Palace hails House for extending CARP
»PGMA appoints actor Cesar Montano as special envoy
»With reforms, RP unlikely to slip into recession - JFC
»DOH reports 7 new cases of Influenza A(H1N1)
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines