Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/09

Tagalog News: Batangas City magbabalangkas ng Environmental Code

Batangas City (9 June) -- Sinisimulan na ng Batangas City ang pagbabalangkas ng sarili nitong Environmental Code kung saan nakapaloob ang mga batas sa lokal at nasyunal ukol sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan upang magsilbing gabay sa pagpapatupad ng sustainable development ng lungsod.

Idinaos ng City Environment and Natural resources Office (City ENRO) ang Validation Meeting kamakailan sa teachers Conference Center kung saan sumailalim sa workshop at talakayan ang mga opisyal ng barangay hinggil sa problemang pangkapaligiran sa kanilang barangay at ang kanilang rekomendasyon upang bigyan ng solusyon ang problemang ito.

Kasama ng City ENRO ang School of Science Environmental Science and Management (SESAM) sa University of the Philippines - Los Banos na siyang nagdraft ng Enviromental Code of Batangas City base sa kanilang ginawang pagbisita at pagasasaliksik sa mga barangay ng siyudad.

Ilan sa lumahok sa nasabing validation meeting ang mga kinatwan ng industriya tulad ng First Gas Power Corporation, Malampaya, Himel at Sorosoro Ibaba Dev't Corp.

Sa kanyang isinagawang brief presentation ng ECODE, sinabi ni Dr. maria Victoria Espladon dean at Team Leader ng SESAm na mismong ang mga mamamayan ang dapat lumahok at magbigay ng kanilang tulong sa pagbubuo ng ECODE upang ito ay maging salamin ng kanilang mga adhikain para sa kalikasan.

Ayon pa sa kanya ang Batangas City ay isa sa mga growth corridors sa Region IV na lamang sa agrikultura, industriya, port harbor, turismo, pangingisda at biniyayaan ng mga natural na likas na yaman na dapat maayos na pangasiwaan habang isinasakatuparan ang paglago at kaunlaran.

Ang ECODE ang magsisilbing "road map" sa pagpapanatili ng ganda at benepisyo ng kalikasan upang magpatuloy ang suplay ng materyales at serbisyo mula sa likas na yaman na di masisira ng kaunlaran. (MPDC/PIA Batangas) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Ombudsman-Visayas, RANGE 6, ARENA 7, REAL 8 intensify Zero-Tolerance to Corruption Campaign
»DENR offers 4,784 jobs under CLEEP at Kalayaan Jobs Fair in Region 8
»DPWH, Davao City council work together on street signs
»DA Sec. Yap, Malaysian investors visit Comval, palm oil mulled
»Silvosa negotiates with Puyod Family for wharf development
»Panabo City commemorates National Flag Day
»Maco's Cristele Gonzales is Garbo Comvalenyo Season 2 champ
»Feature: Sangguniang Kabataan in ComVal…for LIFE!
»Only in the Philippines: Most unique sports event in Tagum City
»Country looks for outstanding doctors
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines