Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/10

Tagalog News: 3-day job and livelihood fairs sentro ng pagdiriwang ng ika-111 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

Lungsod ng Malolos (10 June) -- Gaganapin ang isang 3-day Job and Livelihood Fairs sa Hunyo 12-14 sa Bulacan bilang tampok na gawain sa gaganaping pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng Araw ng Kalaayan.

Matapos ang taunang selebrasyong kinatatampukan ng parada, pag-aalay ng bulaklak at sabayang pagtataas ng watawat ng Pilipnas, ilulunsad ang pormal na pagbubukas ng "Kalayaan Regional Job and Livelihood Fairs sa pangunguna ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Sec. Jeslie Lapuz.

Ang naturang job and livelihood fair ay angkop sa tema ng Araw ng Kalayaan na "Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan: Tungo sa Tunay na Kalayaan" ay magsisilbing isang behikulo upang mas makalikha ng maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipinong manggagawa.

Ito'y bilang tugon din sa panawagan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na makalikha ng mas maraming trabaho ngayon Araw ng Kalayaan.

Ang nasabing programa ay isasagawa sa provincial capitol gymnasium kung saan igagawad ang pagbibigay ng kontrata ng trabaho at pagsasanay sa kabuhayan para sa mga manggagawa.

Magbibigay din ng serbisyo ang bawat ahensya ng pamahalaan upang lalong maging masigla ang gaganaping pagdiriwang ng Araw ng kalayaan.

Ito'y kinabibilangan ng medical mission mula sa Department of Health (DOH) katulong ang lokal na tanggapan ng kalusugan ng Bulacan, diskwento caravan, trade exhibits/regional OTOP - One Town, One Product mula sa Department of trade and Industry (DTI), free haircut and massage mula sa Technological Education and Skills Development Authority (TESDA), housing fair/clinic at one-stop shop pre-employment services.

Sa ika-2 at ika-3 araw (Hunyo 13 at 14) tampok din ang job fair para sa local at overseas employment, kabilang pa rin ang mga livelihood trade fairs, skills and livelihood technology demonstration at Phil-Jobnet/GMA Kiosk Job center.

Bilang panghatid saya magkakaroon din ng isang cultural presentation, konsyerto ng Sining Bulacan, KENYO band at ang pagtatanghal ng isang Anak ng Bulakan na si Kyla. (PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR padlocks 4 Davao establishments
»DepEd-XI to train teachers and workforce for WATCH program
»Catbalogan folks anxiously await SC decision on citihood
»An Waray party list sponsors sports for 40 something
»DSWD cautions authorities on handling minors in armed conflict
»Commentary: Political noise, rallies will not resolve RP's concerns
»Cebuano News: DOH magsugod na sa mitigation activities subay sa tambag sa WHO expert
»Cebuano News: Walay hulga sa seguridad gumikan sa isyu sa Con-Ass - AFP
»Waray-Waray News: Waray daw peligro ha seguridad dara han isyu ha Con Ass - AFP
»Feature: Dengue is deadlier than AH1N1 virus
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines