Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/10

Tagalog News: Bulacan magtatampok ng 3-day job and livelihood fair sa ika-111 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

Malolos City (10 June) -- Isang 3-day job and livelihood fair ang tampok na kaganapan sa pagdiriwang ng ika-111 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ito ay naaayon sa tema ng selebrasyon na "Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan: Tungo sa Tunay na Kalayaan."

Ang unang araw, June 12, ay para sa mga naghahanap ng trabaho sa mga ahensiya ng pamahalaan. Ito ay nakalaan sa mga may civil service eligibilities, mga posisyon sa Armed Forces of the Philippines at emergency employment.

Sa araw na ito, 5,705 ang tatangapin sa ilalim ng CLEEP (Comprehensive Livelihood Emergency Employment Program) ng DA, DENR, Dep Ed, DOLE, DOST, Tourism, DPWH, DSWD, DTI at TESDA. Ang mga trabaho ay nagmula sa 208 proyekto na inilunsad ng mga ahensiyang ito.

Tatanggap din ng scholarship ang 2,847 katao mula sa mga nabanggit na ahensiya.

Sa susunod na araw, June 13, ang mga pribadong kumpanya ay magbubukas ng trabaho sa mga call centers, turismo, agrikultura, hotel and restaurant services, food and beverages, manufacturing, wholesale and retail.

Ang mga local recruitment agencies naman ay maghahandog ng trabaho para sa mga overseas workers sa June 14.

Ang job generation fair ay gaganapin sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City at sa Event Center sa SM City sa Baliuag.

Ang sabayang pag-aalay ng bulaklak at pagtataas ng watawat sa makasaysayang Barasoain Church sa pangunguna ni Dep Ed Secreatry Jesli Lapus ang simula ng mga kaganapan.

Magbibigay ng serbisyo ang mga ahensiya ng pamahalaan upang higit na malaki ang pakinabang ng mga mamamayan.. Kabilang dito ang medical missions, diskwento caravan, libreng gupit at masahe, skills at livelihood demonstrations at OTOP (One Town, One Product) exhibits.

Bilang pangwakas, magtatanghal ang Sining Bulacan ng cultural presentation at concert mula sa Kenyo band. Inaasahan din ang pagdalo ng Anak ng Bulacan na si Kyla. Gaganapin ang mga ito sa Event Center, SM Baliuag. (PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR padlocks 4 Davao establishments
»DepEd-XI to train teachers and workforce for WATCH program
»Catbalogan folks anxiously await SC decision on citihood
»An Waray party list sponsors sports for 40 something
»DSWD cautions authorities on handling minors in armed conflict
»Commentary: Political noise, rallies will not resolve RP's concerns
»Cebuano News: DOH magsugod na sa mitigation activities subay sa tambag sa WHO expert
»Cebuano News: Walay hulga sa seguridad gumikan sa isyu sa Con-Ass - AFP
»Waray-Waray News: Waray daw peligro ha seguridad dara han isyu ha Con Ass - AFP
»Feature: Dengue is deadlier than AH1N1 virus
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines