Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/10

Tagalog News: Kulturang Gubatnon muling bubuhayin sa pamamagitan ng isang musical-cultural concert

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (June 10) -- "Hitik sa talento at kultura ang bayan ng Gubat, subalit nakakalungkot isipin na hindi ito napahalagahan at nasusuportahan upang magbigay inspirasyon sa bawat mamamayan dito."

Ito ang naging pahayag ni Dr. Mila Ragos, ad-hoc president ng Gubat Cultural Society na siya ring conceptualizer ng isasagawang Gubat Musical-Cultural Concert bukas, June 11, sa kumbento ng St. Anthony de Padua sa bayan ng Gubat.

Sinabi ni Ragos na ang nasabing konsyerto na magsisilbi ding cultural renaissance na muling bubuhay at magpapaalala sa lahat ng mayayamang kulturang Gubatnon sa pamamagitan ng luma at makabagong musika at iba pang mga palabas ay gagawin mula alas diyes ng umaga hanggang ala-una ng hapon.

"Walang entrance fee kundi donasyon ng kung magkanong halaga lamang mula sa mga mapagmahal sa mga natural na talento ang tatanggapin. Mayroon ding free lunch na ibibigay doon sa mga manonood ng nasabing konsyerto," pahayag nito.

Ayon kay Ragos, layon din nito na bigyan ng pagkakataon ang mga natutulog nang talento na mailabas at dapat na rin aniyang maisalin ang mga minana ring kulturang katulad ng pagmamahal sa bayang pinanggalingan, pagpapahalaga at paglinang sa kung ano ang tunay na sariling atin at iba pang mga magagandang kaugalian, sa bagong henerasyon nang sa gayon ay maipagpatuloy nila ito.

Sinabi pa niya na kung hindi kikilanin at pupukawin ng ating lokal na pamahalaan maging ng komunidad ang pagpapahalaga sa mayamang pamana at talentong meron tayo, mamatay na lamang ito at hindi na malalaman pa ng darating na henerasyon ang kayamanang maaari ding magpaunlad hindi lamang ng kanilang pagkatao kundi maging ng kanilang kabuhayan.

"Ito ang dahilan kung bakit naisipan namin sa tulong aking mga kasamahan sa Gubat Cultural Society na muling buhayin ang mga natural na pamana hindi lamang ng mga kabataan kundi maging yaong mga nasa edad 50 pataas na magbabalik sa atin ng mga awiting katulad ng "Nasaan ka Irog" at "Bakya Mo Neneng" sa pamamagitan ng isang musical-cultural concert," dagdag pa niya.

Tampok dito ang Esporlas Band na kinikilala na rin ngayon sa bansang Japan, mayroon ding magtatanghal na magician na tubong Gubat din, mga kabataang magpapamalas ng kanilang galing sa pagsasayaw at may mga magpapatugtog din ng ilang mga instrumentong matagal nang hindi naririnig sa entablado.

Kaugnay nito, hinikayat niya hindi lamang ang mga Gubatnon kundi ang lahat na saksihan ang kanilang konsyerto bukas sa bayan ng Gubat alas-dyes hanggang ala-una ng hapon.

Sinabi din ni Ragos na panimula pa lamang ito sapagkat nakatakda rin silang bumuo ng community-based rondalla at iba pang mga community-based development of talents. Inihayag din niyang sa susunod na taon ay magpapalabas din sila ng isang opereta na bubuhay sa Ginubat festival at iba pang kulturang Gubatnon. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR padlocks 4 Davao establishments
»DepEd-XI to train teachers and workforce for WATCH program
»Catbalogan folks anxiously await SC decision on citihood
»An Waray party list sponsors sports for 40 something
»DSWD cautions authorities on handling minors in armed conflict
»Commentary: Political noise, rallies will not resolve RP's concerns
»Cebuano News: DOH magsugod na sa mitigation activities subay sa tambag sa WHO expert
»Cebuano News: Walay hulga sa seguridad gumikan sa isyu sa Con-Ass - AFP
»Waray-Waray News: Waray daw peligro ha seguridad dara han isyu ha Con Ass - AFP
»Feature: Dengue is deadlier than AH1N1 virus
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines