Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/10

Tagalog News: RA 9003 policy review isinasagawa sa Sorsogon

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (June 10) -- Isinagawa noong nakaraang linggo ang Flagship Project Inception Workshop kaugnay ng proyekto ng Southeast Asia Urban Environment Management Application (SEA-UEMA) dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Ang Southeast Asia Urban Environment Management Application Project na pinopondohan ng Canadian International Development Agency (CIDA) ay nakatuon sa pagrepaso sa mga patakaran na nakasaad sa RA 9003 o ang Solid Waste Management Act of 2000, kung saan, aydentipikado ang lalawigan ng Sorsogon bilang recipient, at sa 81 mga lalawigan sa buong bansa, ang Sorsogon ang siyang napiling maging learning resource center at pilot province na siyang magsasagawa ng Omnibus Revision ng RA 9003.

Napili ang Sorsogon dahilan na rin sa mga networking activities ni Sorsogon Governor Sally Ante-Lee sa labas ng lalawigan.

Kabilang sa mga naisagawa nang aktibidad kaugnay ng omnibus revision ay ang paglulunsad nito noong March 2009, pirmahan ng Tripartite Memorandum of Agreement sa pagitan ng Local Government Academy (LGA), lalawigan ng Sorsogon at ng La Salle Institute of Governance (LISG), at kamakailan ay isinagawa rin ang consultation workshop kung saan dumating dito si Dr. Francisco Magno, director ng La Salle Institute of Governance at Mr. Marlon Era, kapwa mula sa De la Salle University (DLSU)-Manila na gumabay sa pagbubuo ng technical working group na mangunguna sa pagrepaso sa mga patakarang nakasaad sa batas ukol sa Solid Waste Management.

Ayon kay Governor Sally Lee, bilang bahagi ng policy advocacy component, nagsagawa muna ang Local Government Academy ng flagship project inception workshop bago ang tuluyang pagpapatupad ng proyektong ito.

"Kailangang repasuhin sapagkat masyadong mabigat ang nilalaman ng RA 9003 dahilan upang mahirapang maipatupad ito ng mga Local Government Units," ayon kay Lee.

Ayon kay Lee, sa lalawigan ng Sorsogon, ang magiging basehan sa nasabing 1-yr policy review ay ang ginawang pagpapatupad ng solid waste management ng Barangay Zone 2, Bulan at Brgy. Pangpang sa lungsod ng Sorsogon.

"Social laboratory ang Sorsogon kaugnay ng implementasyon at kung ano ang magiging findings, bakit nagtagumpay o hindi ang programa sa solid waste management dito, yun ang ilalagay sa findings at yun na ang magiging basis sa paggawa ng amendments ng RA 9003," dagdag pa ng gobernador.

Matapos ang isang taong policy review, magsusumite ang technical working group ng proposal for amendment sa national government kasama na ang mga issues and concerns bakit hindi naipatutupad ang ilang mga provisions partikular ang pagpapatupad ng sanitary landfill. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR padlocks 4 Davao establishments
»DepEd-XI to train teachers and workforce for WATCH program
»Catbalogan folks anxiously await SC decision on citihood
»An Waray party list sponsors sports for 40 something
»DSWD cautions authorities on handling minors in armed conflict
»Commentary: Political noise, rallies will not resolve RP's concerns
»Cebuano News: DOH magsugod na sa mitigation activities subay sa tambag sa WHO expert
»Cebuano News: Walay hulga sa seguridad gumikan sa isyu sa Con-Ass - AFP
»Waray-Waray News: Waray daw peligro ha seguridad dara han isyu ha Con Ass - AFP
»Feature: Dengue is deadlier than AH1N1 virus
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines