Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/10

Tagalog News: Libreng kidney screening sa Sorsogon gagawin sa June 13

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (June 10) -- Isang libreng kidney screening test ang nakatakdang gawin ng Sorsogon Medical Mission Group Hospital and Health Services Cooperative Hemodialysis Unit sa darating na Sabado, June 13, mula alas-syete ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali sa nasabi ring ospital na mas sikat sa tawag na MMG dito sa Sorsogon.

Ang pagsasagawa ng kidney screening ay bilang bahagi ng patuloy na kampanya sa pangangalaga ng kidney at bilang bahagi na rin ng National Kidney Month na taunang ipinagdiriwang sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Dr. Jose Emmanuel S. Cabildo, nephrologist ng Sorsogon MMG Hospital, ang kidney screening ay gagawin sa pamamagitan ng urinalysis kung saan tinatayang aabot sa isangdaang pasyente ang maaaring mabiyayaan.

"Mahalagang magpaeksamen ng ihi o magkaroon ng urinalysis minsan sa isang taon nang sa gayon ay malaman kung may problema sa ihi na maaaring senyales ng sakit sa bato o kidney," pahayag pa ng doktor.

Sinabi pa niya na maliban sa libreng kidney screening, nagsagawa rin sila ng radio hopping upang madagdagan ang kamalayan ng publiko ukol sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang kidney, at nakaiskedyul na rin ang kanilang outreach activity na sinimulan na nilang gawin noong nakaraang taon at ito ay magiging taunang aktibidad na rin nila.

Ayon kay Cabildo, ginagawa nila ito upang makadiskubre ng potential kidney patients at habang maaaga pa ay mabigyan na ito ng tamang gamot o referral nang sa gayon ay maagapan ang posibleng paglala pa ng kondisyon at hindi na mauwi sa renal failure.

Ang outreach activity nila ay naisagawa na nila noong nakaraang taon sa mga bayan ng Gubat at Bulan kung saan dito nanggagaling ang karamihan ng mga hemodialysis patients nila.

Ngayong taon ay target naman nila ang bayan ng Matnog kung saan gagawin nila ang kidney screening at consultation activities sa darating na June 28, at kung kakayanin pa ay mag-iiskedyul din sila sa bayan ng Irosin at sa ilang mgapaaralan dito sa syudad.

Binigyang-diin pa ni Cabildo na nararapat na bigyang pansin ng sinuman ang mga sakit na tulad ng Urinary Track Infection, Glumerulonephritis o pamamaga ng maliliit na ugat sa nephrons, pamamanas ng paa at pagkakaroon ng bato sa kidney sapagkat ito ang magsisilbing dahilan upang lumala ito at tuluyang mauwi sa renal failure.

Kaugnay nito, pinayuhan din niya ang mga mamamayan partikular ang mga kabataan na huwag magpipigil ng ihi at iwasan ang mga maaalat at matatabang pagkain, gawin ang kaukulang ehersisyo, uminom ng maraming tubig, iwasan din ang paglalaro ng ari at regular na magpa-urinalysis taon-taon.

Sa tala ng PHO noong 2007, ikawalo ang renal o kidney disease sa mga pangunahing sakit na nakamamatay dito sa lalawigan ng Sorsogon. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR padlocks 4 Davao establishments
»DepEd-XI to train teachers and workforce for WATCH program
»Catbalogan folks anxiously await SC decision on citihood
»An Waray party list sponsors sports for 40 something
»DSWD cautions authorities on handling minors in armed conflict
»Commentary: Political noise, rallies will not resolve RP's concerns
»Cebuano News: DOH magsugod na sa mitigation activities subay sa tambag sa WHO expert
»Cebuano News: Walay hulga sa seguridad gumikan sa isyu sa Con-Ass - AFP
»Waray-Waray News: Waray daw peligro ha seguridad dara han isyu ha Con Ass - AFP
»Feature: Dengue is deadlier than AH1N1 virus
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines