Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/10

Tagalog News: Accessibilty area para sa mga may kapansanan, ipinaglaban

by Ruel Orinday

Lucena City (10 June) -- Inihayag dito ni Bokal Alona Obispo na mahalaga sa bawa't establisimyento, luma man o bago ang accessibility area para sa mga taong may kapansanan o person with disability (PWD).

Ang pahayag ay binanggit ni Bokal Obispo sa ginanap na Orientation on Batas Pambansa Blg. 344 (Accessibility Law) sa Queen Margarette Hotel Lucena City noong Hunyo 5, 2009.

Layunin ng orientation na muling ipabatid sa mga local officials ng Quezon ang kahalagahan ng pagpapatupad ng Accessibility Law. Layunin din ng batas na ito na mapangalagaan ang mga taong may kapansanan sa anumang uri ng aksidente lalong lalo na sa mga malalaking gusali gayundin maging kombinyente at maayos ang mga taong may kapansanan sa kanilang pagpasok at paglabas sa mga gusali.

Tampok sa orientation na pinamagatang "Access Talkshop, Aceess Audit" ang pag-inspeksiyon ng mga gusali ng Queen Margerette Hotel upang malaman kung may accessibility area ang naturang gusali para sa mga taong may kapansanan kagaya ng comfort room at iba pa.

Kabilang sa mga naging panauhing tagapagsalita dito sina Arch. Jaime G. Silva, Chairman, Comm. On Accessibilty kung saan ay tinalakay niya dito ang Batas Pambansa at Blg. 344 at Architectural and Social Barriers); Arch. Armand Eustaquio, Vice Chairman, Comm. On Accessibility (Introduction of Access Audit) at Arch. Edwin Barrola, RCDA IV-A PWD Focal Person (Universal Design through the accessibility law).

Ang orientation on Batas Pambansa 344 na dinaluhan ng mga municipal social welfare officers at municipal engineers mula sa iba't-ibang bayan ng Quezon ay isang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pakikiisa ng National Commission on Disability Affairs. (NCDA). (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR padlocks 4 Davao establishments
»DepEd-XI to train teachers and workforce for WATCH program
»Catbalogan folks anxiously await SC decision on citihood
»An Waray party list sponsors sports for 40 something
»DSWD cautions authorities on handling minors in armed conflict
»Commentary: Political noise, rallies will not resolve RP's concerns
»Cebuano News: DOH magsugod na sa mitigation activities subay sa tambag sa WHO expert
»Cebuano News: Walay hulga sa seguridad gumikan sa isyu sa Con-Ass - AFP
»Waray-Waray News: Waray daw peligro ha seguridad dara han isyu ha Con Ass - AFP
»Feature: Dengue is deadlier than AH1N1 virus
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines