Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/10

Tagalog News: Karagdagang 300,000 enrollees sa elementarya at sekondarya inaasahan - DepEd-XII

Manila (10 June) -- Mahigit tatlongdaang-libong (300,000) mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ang inaasahan pang magpapatala sa iba't-ibang mga pampublikong paaralan sa rehiyon dose kahit pa ang klase ay papasok na sa ikalawang linggo.

Ayon kay DepEd-XII acting assistant regional director Dr. Allan Farnazo, sa talaan ng DepEd-XII mayroon ng 476,926 public elementary pupils at high school students ang nakapagpatala at pumasok na sa unang linggo ng klase ngayong taon sa target na 811,689 students.

Binigyang-diin ni Farnazo na mayroon pa lamang 333,152 elementary pupils ang nakapagpatala o 56.76% sa naitalang 587,039 enrollees noong nakalipas na taon. Samantala sa high school o secondary level naman, mayroon ng 143,774 students o 64% ng naitalang 224,650 enrollees ng nakaraang taon.

Sa kasalukuyan ani Farnazo ay nagkaroon ng 40% shortage sa bilang ng mga enrollees ngunit inaasahan naman umano na ito ay bababa pa sa mga susunod na araw. Dagdag pa ni Farnazo, ang pagkakaroon ng shortage sa enrolment figures ay dahil sa mabagal na pagdating ng mga reports mula sa malalayong distrito sa rehiyon.

Nagsasagawa na rin ng evaluation ang DepEd upang malaman kung saang lugar mayroong mababang enrollees ng sa ganun ay makapagsagawa ng mga estratehiya gaya ng house to house campaigns upang mahikayat muli ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR padlocks 4 Davao establishments
»DepEd-XI to train teachers and workforce for WATCH program
»Catbalogan folks anxiously await SC decision on citihood
»An Waray party list sponsors sports for 40 something
»DSWD cautions authorities on handling minors in armed conflict
»Commentary: Political noise, rallies will not resolve RP's concerns
»Cebuano News: DOH magsugod na sa mitigation activities subay sa tambag sa WHO expert
»Cebuano News: Walay hulga sa seguridad gumikan sa isyu sa Con-Ass - AFP
»Waray-Waray News: Waray daw peligro ha seguridad dara han isyu ha Con Ass - AFP
»Feature: Dengue is deadlier than AH1N1 virus
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines