Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/10

Tagalog News: DENR nagsasagawa ng monitoring sa mga tilapia cages sa bayan ng Lake Sebu

Koronadal City (10 June) -- Sinimulan ng South Cotabato provincial environment office (PENRO) ang pag-monitor at pagsisiyasat sa bilang ng mga tilapia cages sa bayan ng Lake Sebu upang maiwasan ang posibleng kasiraan sa tatlong (3) mga lawa sa nabanggit na bayan.

Ito'y matapos ipinag-utos ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang pagsasagawa ng pagsisiyasat sa mga fish cages sa mga lawa at masegurong natutupad ang nakapaloob sa Philippine Fisheries Code.

Nakaasad dito na sampung (10) porsyento lamang ng kabuuang lawa ang maaaring pagtayuan ng mga fish cages ng sa ganun ay maiwasan ang posibleng pagkasira sa mga lawa sa buong bansa.

Matatandaan na ang bayan ng Lake Sebu ang itinuturing na summer capital ng Rehiyon dose at isa sa kilalang pasyalan ng mga lokal at mga dayuhang turista. Isa din ito sa kinilalang watershed areas ng bansa kung saan ang kabuuang 92,450 ektaryang lupain sa lugar ay idineklarang protected landscape noon pang September 24, 1985.

At upang mapreserba ang naturang mga lawa, ipinag-utos ni Fuentes sa PENRO na kaagad magsagawa ng inventory sa mga fish cages sa lahat ng mga lawa sa nabanggit na bayan at mag-organisa ng comprehensive clean-up drive para sa yamang tubig ng rehiyon. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»BIR padlocks 4 Davao establishments
»DepEd-XI to train teachers and workforce for WATCH program
»Catbalogan folks anxiously await SC decision on citihood
»An Waray party list sponsors sports for 40 something
»DSWD cautions authorities on handling minors in armed conflict
»Commentary: Political noise, rallies will not resolve RP's concerns
»Cebuano News: DOH magsugod na sa mitigation activities subay sa tambag sa WHO expert
»Cebuano News: Walay hulga sa seguridad gumikan sa isyu sa Con-Ass - AFP
»Waray-Waray News: Waray daw peligro ha seguridad dara han isyu ha Con Ass - AFP
»Feature: Dengue is deadlier than AH1N1 virus
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines