Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: Mga programang pangkaunlaran, hatid ni Gobernador Arnan sa Socorro

Calapan City (11 June) -- Sa hangaring higit pang mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan upang maging mga produktibong kabahagi sa pagpapaunlad ng lalawigan kung kaya’t walang patid ang paghahatid ng mga programa at serbisyong panlipunan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Buong araw ng Mayo 29 ang inilaan ni Gobernador Arnan upang personal na magkaloob ng mga proyektong tumutugon sa mga pangunahing kahilingan ng mga mamamayan sa bayan ng Socorro.

Sa Brgy. Pasi II, ipinagkaloob ng Gobernador kay Brgy. Capt. Nicolas Sabas ang dalawang makina ng bangka bilang premyo para sa mga magwawagi sa bancathon.

Ang naturang aktibidad ay kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng barangay sa ngalan ng patron na si San Rafael.

Sinaksihan din ng Gobernador ang pagoda na naging kaugalian na sa mga pamayanang malapit sa ilog o dagat bilang pasasalamat sa masagana at mapayapang pamumuhay. Mula sa simbahan ay isinakay ang patron sa bangka at iniikot sa baybayin ng Naujan Lake.

Pagbati at pakikiisa ang paabot ng Gobernador sa pagdiriwang ng kapistahan ng barangay. Ipinaalala niya sa mga ito na maging aktibo sa pagtulong sa pamahalaan sa pangangalaga ng Naujan Lake na siyang pangunahing pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Kasiyahan, kagalakan at lubos na pasasalamt hindi lamang sa pakikisa sa kanilang gawain ang paabot ni Kapitan Sabas sa Gobernador kundi pati na rin sa naipagkaloob niyang tulong upang maipatapos ang kanilang multi-puspose hall at sa ipinatayong processing plant ng dried biya sa barangay.

Matapos dito, pinangunahan ng Gobernador, kasama sina Brgy. Capt. Lolito Lorenzo at mga kagawad ng barangay, sa pagpapasinaya sa naipakongkretong kalsada sa Sitio Santol sa Barangay Zone II.

Isang milyong piso (P1M) ang halagang ginugol ng Pamahalaang Panlalawigan sa kalsadang may habang 183 lineal meters.

Ayon sa Gobernador, pinaglaanan niya ng panahon ang pag-iikot sa mga bayan at iba’t ibang barangay sa lalawigan, hindi lamang upang bumisita, kundi upang personal na maghatid ng mga proyekto at programang kailangan at higit na magpapabago sa kanilang pamumuhay.

Mula pa, aniya, noong 2005 ay marami nang proyekto ang naipagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan ng Socorro. Bukod sa Zone II, siyam pang barangay ang may naipatapos nang road concreting project, apat na barangay ang napagkalooban ng tulong puhunan sa ilalim ng programang LIKHA KA, mahigit 3,000 pamilya na ang nabigyan ng libreng health insurance at umabot sa P5M ang naipagkaloob na counteraprt fund sa ipatatayong rural health unit ng naturang bayan.

Samantala, malayo sa national highway, makikipot ang daan at putul-putol sa ang sementadong kalsada patungo sa Barangay Malugay na isa sa mga benepisyaryo ng programang Literasi at Kasanayan sa Hanapbuhay sa Kalibliban o LIKHA KA.

Limampung libong pisong (P50,000) tulong puhunan ang ipinagkaloob ng Gobernador kay Konsehal Crispin Lacatan, pangulo ng Samahang Pangkabuhayan Pangkaunlaran ng Malugay para sa kanilang hog raing project. Sumaksi sa okasyon sina Barangay Captain Leona Limoico at Sangguniang Kabataan President Victor Manahan.

Mahalaga ang magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan sapagkat malaki ang maitutulong nito sa pag-aangat ng kabuhayan ng ating mamamayan, ayon sa Gobernador. Kapag may gawaing pang-ekonomiya sa isang barangay, kikita ang tao, iikot ang pera sa lugar at lahat ay makikinabang. Ito ang layunin ng LIKHA KA, kabuhayang magdudulot ng kaunlaran sa ating lahat, dagdag pa ng Gobernador.

Bukod sa Brgy. Malugay benepisyaryo rin ng programa ang mga barangay ng Fortuna, Pasi I at Lapog sa Socorro. Kabilang na ang mga ito sa 76 na barangay sa buong lalawigan na benepisyaryo ng LIKHA KA ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa ngalan ng kanilang 28 myembro, taus-pusong pasasalamat ang pahatid ni G. Lacatan sa Gobernador, kasama ang pangakong pagyayamanin at pagsisikapang palaguin ang kabuhayang kaloob sa kanilang brangay.

Mababakas ang kakaibang tuwa sa mga mukha ng taga-barangay na pinuntahan ng araw na iyon sapagkat alam nilang tiyak na magbabago ang kanilang pamumuhay tungo sa magandang bukas. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines