Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: Pangulo ng PhilHealth, bumisita sa Oriental Mindoro; karagdagang capitation fund, ipinagkaloob

Calapan City (11 June) -- Dumating noong Mayo 26 sa lalawigan si PhilHealth President at Chief Executive Officer Dr. Rey Aquino upang personal na ipaabot kay Gobernador Arnan ang pagkilala ng kanilang ahensya sa mahusay na implementasyon ng programa sa Oriental Mindoro.

Sa kanyang courtesy call sa tanggapan ng punong lalawigan, sinabi ni Dr. Aquino na napakalaki ng tulong, lalo na sa mahihirap na mamamayan ng health insurance.

Pinapurihan niya ang Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Arnan, hindi lamang sa maagap na pagbabayad ng PhilHealth premiums kundi lalo’t higit sa pagpupunyaging mabigyan ng libreng health insurance ang may 100,000 mahihirap na pamilyang Mindoreño.

Kaugnay nito, ipinagkaloob ni Dr. Aquino sa Gobernador ang mga tsekeng nagkakahalaga ng P452,417.30 na karagdagang capitation fund ng lalawigan. Gagamitin ang nabanggit na halaga upang higit pang maging episyente ang serbisyo ng mga rural health units partikular sa pagkakaloob ng outpatient benefit package para sa mga mahihirap na mamamayan.

Bukod dito, isang plake ng pasasalamat sa kanyang malaking ambag sa misnyon ng ahensya ang iginagawad ni Dr. Aquino sa Gobernador.

Sumaksi sa gawain sina Prvincial Administrator Atty. Adel C. Abas, PhilHealth Provincial Manager Gng. Virginia Abao at mga kinatawan ng iba't ibang ospital sa Lungsod ng Calapan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines