Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: P100,000 tulong pinansyal ibinigay sa Barangay Buhuan

Calapan City (11 June) -- Tinitiyak ng kasalukuyang pamunuan ni Gobernador Arnan na ang kanyang isinusulong na pagpupunyaging pangkaunlaran ay pinasisimulan sa mga barangay sapagkat ang pagpapatatag ng mga ito ay pagpapatatag sa pundasyon ng progreso ng Oriental Mindoro.

Noong Mayo 23, may P100,000 ang personal na ipinagkaloob ni Gobernador Arnan kay Kapitan Gregorio C. Matira, Jr. ng Barangay Buhuan ng syudad ng Calapan bilang tulong pinansyal sa pagbili ng may dalawang ektaryang lupa para sa barangay.

Ayon kay Kapitan Matira, ang pagbili ng lupa ay bahagi ng planong pangkaunlaran ng buong sangguniang barangay. Sa lupang ito, ipinaplano nilang itayo ang barangay hall, day care center, basketball court, health center, palengke at iba pang mga istrukturang kailangan ng mga naninirahan sa barangay Buhuan at sisimbolo ng unti-unti nang pagsulong ng lugar.

Lubhang hinangaan ng gobernador ang sigasig ng mga namumuno sa barangay at nangakong ang lahat ng suportang maaari pang ipagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ay kanyang ipagkakaloob dito.

“Ako ay natutuwa na ang barangay Buhuan ay magkakaroon ng dalawang ektaryang lupa na pagtatayuan ng ibat ibang istruktura na magpapakita ng mabilis na pagsulong ng inyong lugar,” ayon sa Gobernador.

Itinurn-over rin ni Gobernador Arnan kay Kapitan Matira ang isang daan at limampu't apat na ID cards para sa libreng insurance sa ilalim ng kanyang Philhealth Para sa Masa.

Ang Barangay Buhuan ay isa sa mga barangay na napagkalooban ng malaking proyekto ni Gobernador Arnan maging noong siya ay mayor pa lamang ng Calapan.

Ayon kay Kapitan Matira, ipinagpapasalamat nila kay Gobernador Arnan hanggang sa kasalukuyan ang kongkreto nang kalsada ng barangay.

"Mula po doon sa highway sa Panggalaan, dito sa Buhuan hanggang sa Sta. Cruz ay atin nang naipakongkreto. Hindi po sa pagmamayabang, ang inyong lingkod lamang ang tanging pulitikong nakapagpakongkreto ng mga kalsadang ito," ayon kay Kapitan Matira.

At dahil sa pagbuhos na ito ng proyekto sa kanyang barangay, tinitiyak ni Kapitan Matira ang buong suporta nila sa pamunuan ni Gobernador Arnan.

"Hindi po namin kailanman nakakalimutan ang napakalaking utang na loob namin kay Gobernador Arnan kaya't hindi po nakapagtatakang ang buung-buong suporta namin ay patuloy namin ipagkakaloob sa kanya," ayon pa sa kapitan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines