Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: Mga bagong iskolar ng Oriental Mindoro ipinakilala

Calapan City (11 June) -- Ang huwag masayang ang oportunidad at ang mag-aral nang mabuti para mapaunlad ang sarili at maitiyak ang mas maayos na kinabukasan para sa pamilya.

Ito ang tagubilin ni Gobernador Arnan sa mga bagong iskolar ng pamahalaang panlalawigan ngayong panuruang taon sa isinagawang orientation sa Kapitolyo noong unang araw ng Hunyo.

"Kayo ang mga mapapalad na mga kabataan sapagkat kayo ang mga bagong iskolar ng pamahalaan. Ang tanging hiling ko lamang sa inyo ay pakaigihan at magpakagaling kayo sa inyong pag-aaral. Ang aming ipantutustos sa inyong edukasyon ay mula sa buwis ng inyong mga magulang at mga mamamayang Mindoreņo," pagbibigay-diin ng Gobernador.

Ayon pa sa gobernador, mahigit sa sampung milyong piso ang pondong inilalaan ng pamahalaang panlalawigan sa scholarship program nito kung saan maliban sa bachelor courses ay itinataguyod din ang technical-vocational courses sa ilalim ng Project ACCESS.

Samantala, ang 66 na mga mag-aaral, kasama ang kani-kanilang mga magulang at kamag-anak, ay binigyan ng oryentasyon hinggil sa kani-kanilang mga responsibilidad bilang mga iskolar ng bayan at mga taga-pangalaga. Ang gawain ay pinangunahan ni Madam Belen Icalina, hepe ng special concerns division ng office of the governor na siya ring nangangasiwa sa Provincial Scholarship Program.

Ang mga iskolar ng bayan ay mabibigyan ng tig-P8,000 tuition fee at P1,000 book allowance kada-semestre, at P1,200 buwanang allowance.

Mga bagong iskolar kinumpirma ng SP

Bilang bahagi ng taunang tradisyon, kinumpirma na ng Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Bise-Gobernador at SP Presiding Officer Maria Estela Felipa M. Aceron, ang mga bagong scholar ng Pamahalaang Panlalawigan bago magsimula ang pag-aaral ng mga ito sa kolehiyo para sa panuruang taong 2009-2010.

Ito ay sa pamamagitan ng isang kapasiyahang iminungkahi ni Bokal Ramil Dimapilis, SP committee chair on education, sa sesyon ng SP noong unang araw ng Hunyo sa Kapitolyo.

Sa nabanggit na sesyon, pormal na ipinakilala ng mga iskolar ang kani-kanilang mga sarili sa mga myembro ng SP.

Hinikayat naman ni Bise-Gobernador Aceron at mga myembro ng Sanggunian ang mga bagong iskolar ng pamahalaang Panlalawigan na mag-aral nang mabuti at huwag sayangin ang mahalagang pagkakataong ibinigay sa kanila ng pamahalaan upang makapag-aral ng libre at makatulong upang mapabuti ang uri ng kanilang pamumuhay, at makatulong sa pagtataguyod ng kaunlaran ng kanilang pamayanan at ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Samantala, ilan sa mga kondisyong nasasaad sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mga iskolar ang mga sumusunod: kinakailangang mag-enrol ang iskolar sa mga paaralang accredited lamang ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga kursong hindi lalampas ng apat na taon, kinakailangang kumuha ng maximum o full load bawat semestre, kinakailangang hindi bababa sa 80% ang marka sa anumang subjects, at may general weighted average na hindi bababa sa 80% sa bawat semestre.

Nasasaad din dito na ang mga iskolar ay kinakailangang aktibong susuporta at makikibahagi sa mga gawain ng Pamahalaang Panlalawigan, partikular ang may kaugnayan sa youth and education development programs at magkakaloob nang hindi bababa sa 100 oras ng community service bawat semestre. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines