Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: PDRT tuluy-tuloy ang mga pagsasanay

Calapan City (11 June) -- Sa layuning mas maging epektibong tagasagip ng buhay at ari-arian, tuluy-tuloy ang pagsasanay ng mga myembro ng Provincial Disaster Response Team o PDRT.

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng National Disaster Consciousness Month, sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng PDRT sa Basic Life Support and Standard First Aid Techniques sa pangangasiwa ng Philippine National Red Cross (PNRC).

Sinimulan sa Kapitolyo noong Hunyo 2, limang araw ang naging pagsasanay kung saan isinagawa ang simulation exercises upang higit na mas epektibo at masukat ang kakayahan ng mga rescuer.

Nakapaloob dito ang Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) at Standard First Aid Technique na kung saan itinitiyak na ang tamang pagsagip sa biktima ay mahalaga upang hindi manganib ang kanilang buhay.

Sina Red Cross First Aid /BLS Instructors Ruel Quinzon at Winston de Leon ang mga nangasiwa sa nasabing pagsasanay.

Itinitiyak ng PDRT na kwalipikado ang mga kasapi nito sapagkat batid nitong buhay ang nakasalalay sa kanilang tungkulin.

Tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng PDRT sa iba't ibang ahensiya tulad ng DOH, PSD, PNP, local Hospitals at Bureau of Fire Protection upang mas lalong mapagbuti ang kanilang kaalaman at kasanayan. [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines