Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: Scubasura, ilulunsad sa Araw ng Kalayaan

Calapan City (11 June) -- Kaugnay nito, isasagawa ang SCUBASURA, isang patimpalak sa pagkolekta ng basura sa ilalim ng dagat kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan na magkatuwang na itataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Shell Philippines Exploration at Malampaya Foundation.

Ang gawain ay naglalayong lumikha ng kamalayan sa mga mamamayan ng kahalagahan ng malinis na karagatan at upang maiwasan ang sakit sa mga naninirahan sa mga baybaying dagat at pagkawasak na rin ng panirahan ng mga yamang- dagat dito.

Ayon kay Provincial Administrator Adel C. Abas, bukas ang patimpalak sa Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) ng bawat coastal barangay ng Lungsod ng Calapan simula sa Barangay Wawa hanggang Barangay San Antonio.

Ayon kay SPEX External Affairs Advisor Melchor Aguilera, Jr., magsisimula ang paglikom ng mga basura ng FARMC katulong ang mga itatalagang diver sa bawat team sa ganap na alas 8:00 ng umaga at magtatapos sa ganap na alas 11:00 ng umaga. Dadalhin ang mga natipong basura sa Calapan pier kung saan titimbangin ito.

Tatanggap ang mananalong team na may pinakamabigat na basura ng P15,000 cash prize, P10,000 para sa 2nd prize at P5,000 para sa 3rd prize. Mag-uuwi naman ng tig-P3,000 cash ang mga team na hindi mananalo. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines