Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: Bagong opisyal ng pinagsanib na partido pinangalanan na

Ni Eme M. Ballesteros

Dagupan City (11 Hunyo) -- Pinangalanan na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga bagong mamumuno sa pinagsanib na Lakas-Kampi-CMD.

Si Executive Secretary Eduardo Ermita ang itinalaga bilang presidente ng partido nasyonal. Sina House Speaker Jose Nograles, ang dating presidente ng Lakas-CMD at ang dating Kampi chairman na si Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno ang nahirang na vice-chairmen ng pinagsanib na partidong Lakas-Kampi-CMD.

Si dating Presidente Fidel Ramos ang itinalagang chairman emeritus bilang pagkilala sa kanyang walang pag-aalinlangang kabayanihan at commitment sa polisiya ng partido at mga programa ng pamahalaan.

Hinirang din sina Cebu Rep. Pablo Garcia bilang executive president, Deputy Speaker at Maguindanao Rep. Simeon Datumanong bilang senior vice president ng internal affairs, Quezon City Mayor Feleciano Belmonte, Jr. bilang senior vice-president ng external affairs, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez bilang senior vice president para sa finance, at political adviser Gabriel Claudio bilang secretary general.

Ang siyam na pinangalanang opisyal ng Lakas-Kampi-CMD kasama ang 54 pang ibang opisyal ay provisional lamang ang kanilang pagkakatalaga, ayon kay Belmonte. Binanggit niya na ang pagtatalaga ng Pangulo sa mga mamumuno sa partido ay senyal ng pag-uumpisa ng pagconsolidate sa mga miyembro mula sa taas hanggang pababa.

Malaki ang tiwala ng Pangulo, ayon sa kanya, sa kakayahan ng mga bagong lider na makamit ang kanilang hangarin. "Marami pa tayong gagawin, ang dalawang partidong pinagsanib ay umpisa lamang," ani Belmonte.

Ang susunod na pagkilos ng Lakas-Kampi-CMD ay napakakritikal para sa tagumpay ng partido sa 2010 eleksyon, dagdag ng mayor. (PIA Pangasinan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines