Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: Pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ng flu, pinauulat ng DOH

Ni Venus May H. Sarmiento

Dagupan City (11 June) -- Hinikayat ng Department of Health ang mga lokal na pamahalaan na iulat ang anumang hindi pangkaraniwang pagtaas ng bilang ng maysakit ng flu sa mga mag-aaral lalo na sa mga bumiyahe noong nakaraang buwan sa mga bansang naapektuhan ng A(H1NI).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang ganitong paraan ay bahagi pa rin ng paghahanda ng DOH na lumipat mula sa istratehiyang 'containment' patungo sa 'mitigation.'

Sinabi ito ni Duque noong Miyerkules kasabay ng pagbabalitang mayroong 23 pang kumpirmadong kaso ng mild A(H1NI) na kabilang sa mga clusters of schools na nagsuspinde ng klase dahil sa virus. Kabilang sa mga paaralang ito ang DeLa Salle University- Taft, East Asia College, De La Salle College of St. Benilde, St. Andrews School Paranaque at Ateneo De Manila High School. Kapag idinagdag ang mga bagong kaso ay aabot na sa 77 ang kumpirmadong kaso ng mild A(H1NI). Sa bilang na ito, 23 ang mga pasyenteng nakauwi na.

Iginiit ni Duque na wala pang paglawak ng sakit sa komunidad dahil ang mga bagong kaso ay may iisa lamang na pinanggalingan.

Sa 23 na bagong kaso, kabilang ang 19 na Pinoy at apat na foreigners. Mayroong 18 na lalake at limang babae na may age range na 8-49 years old. Pito sa mga confirmed cases ay may history ng pagbiyahe sa US at Japan.

Mula noong May 1, 2009, nakamonitor na ang DOH ng 667 na cases under observation. Sa bilang na ito mayroong 77 na positibo sa A(H1NI), 85 ay may pending laboratory results at 505 ay negatibo at napauwi na. (PIA-Pangasinan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines