Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/11

Tagalog News: DOLE Sorsogon nanawagan sa publiko na makiisa sa selebrasyon ng 111th Philippine Independence Day bukas

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (June 11) -- Nanawagan ang Department of Labor and Employment sa publiko na makiisa sa gagawing selebrasyon ng 111th Philippine Independence Day bukas, June 12.

Sa pahayag ni OIC Provincial Director Marilyn Luzuriaga, hinihikayat ng DOLE na makiisa ang publiko sa selebrasyon sapagkat ipinapaalala sa ating lahat dito na sa gitna ng materyalismo at mga makabagong teknolohiya, ngayon higit kailanman na dapat nating patatagin ang ating pagiging mabuting mamamayan at pagiging makabayan.

Ang DOLE ang departamento na siyang nangunguna sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ngayong taon.

Ayon kay Luzuriaga, tema ng pagdiriwang ngayon ang "Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan, Tungo sa Tunay na Kalayaan", at bahagi nito ang serbisyong makapagbibigay trabaho, pagsasanay at oportunidad pangkabuhayan sa ilalim ng Comprehensive Livelihood Emergency Employment Program (CLEEP).

Kaugnay nito hinikayat niya ang mga Sorsoganon na makilahok sa gagawing mega jobs fair sa Albay Astrodome sa lalawigan ng Albay ngayong Biyernes, June 12, mula alas otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Bahagi rin ng gagawing pagdiriwang ang pagkakaloob ng DOLE sa Sorsogon State College School of Fisheries sa pamamagitan ni SSC president Dr. Antonio Fuentes, ng tsekeng nagkakahalaga ng P144,000 bilang tulong pangkabuhayan sa mga graduating students nila sa ilalim ng Youth Entrepreneurship Support Program kung saan tuturuan ang mga ito ng tamang pagpoproseso ng fish tocino gamit ang mga isdang tulad ng lawlaw at bangus kung saan mayaman nito ang bayan ng Magallanes.

Ipagkakaloob din sa Gawad Kalinga Tarabang Association Village ng Prieto Diaz, Sorsogon sa pamamagitan ng kanilang workers in the informal economy o yaong mga manggagawa na kumukuha ng kanilang pangkabuhayan mula sa itinayo nilang vegetable plantation sa GK Village sa bayan ng Prieto Diaz.

Mahigit P284,000 ang ipagkakaloob sa kanila upang makapagtayo ng nutri-noodle center. Dito ipoproseso ang gagawin nilang flavored noodles tulad ng malunggay noodles, squash noodles at iba pang mga vegetable flavored noodles na magmumula sa kanilang vegetable plantation.

Sa darating din na Byernes ay ipagkakaloob ng DOLE sa second batch ng mga narses na nagqualify sa Nurses Assigned to Rural Service (NARS) program ng pamahalaan ang kanilang training agreement para sa pagsisimula nila sa trabaho sa darating na Oktubre ngayong taon.

Matatandaang 80 nurses ang nabiyayaan ng 6-months emergency program na ito dito lamang sa lalawigan ng Sorsogon. Ang nasabing mga narses na hinati sa dalawang batches kung saan ang 1st batch ay nagsimula nang i-assign sa mga rural areas noong April 1, 2009 ay makatatanggap ng P8,000.00 na buwanang sweldo.

Ang pagkakaloob na ito ng tseke at training agreement ay bahagi rin ng Integrated Services for Livelihood Assistance o ISLA Program ng DOLE.

Samantala, sa ipinalabas na Memorandum No. 022 s. 2009, inaatasan ni Sorsogon Governor Sally A. Lee ang lahat ng mga pinuno ng pampublikong tanggapan dito sa Sorsogon na makiisa sa gagawing simpleng seremonya bilang selebrasyon ng 111th Philippine Independence Day, bukas, June 12.

Ang simpleng seremonya na gagawin sa Capitol Grounds ay kinabibilangan ng seremonya ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas kasabay ng pag-aawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa ganap na alas otso ng umaga. Susundan ito ng Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas bandang 8:15 ng umaga at ang paghahandog ng bulaklak sa munumento ng ating pamansang bayani na si Dr. Jose Rizal ng mga hepe ng iba't-ibang tanggapan dito. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DPWH actively participates in Kalayaan Jobs Fair
»Jobs and Livelihood Fair opens on June 12-14
»BIR urges businesses to pay right tax
»Joint House committee on Mindanao, gov't enterprise okay MinDa Bill
»Coco gab set in Mati
»18,000 jobs up for grab on June 12 job fair
»DOLE eyes higher on-the-spot hirings in jobs fair
»Troops capture NPA, overrun camp, recover firearms
»Military slams soldier for robbery
»Pag-IBIG offers special loan for displaced workers at Davao jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines