Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/12

Tagalog News: Mga bagong guro sa pampublikong paaralan ngayong Araw ng Kalayaan

Pasig City (12 June) -- Tampok sa pagdiriwang ng ika-111 taon ng Araw ng Kalayaan ay ang pagtatalaga ng Department of Education (DepEd) sa may 9,403 na mga bagong guro at 4,500 iba pang mangagawa sa ilalim ng emergency employment program ng gobyerno.

Ayon kay DepEd Secretary Jesli Lapus, ang pagpapalakas ng ating human resources lalo na ng mga guro ay isang "napapanahon at makabuluhang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan."

"Ang pagkakaroon ng trabaho lalo na sa hanay ng mga nagtuturo ay isang paraan para parangalan ang ating bansa na nag-aruga sa atin," dagdag pa niya.

Pinangungunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa isang flag-raising at wreath-laying sa Rizal Park sa Maynila. Kasama ni Pangulong Arroyo si Lapus na siyang co-chairman ng national organizing committee ng pagdiriwang. Magkakaroon ng sabay-sabay na pagtataas ng watawat sa iba't-ibang bahagi ng bansa sa araw na ito.

Sabi ni Lapus, "Habang lalo nating pinag-iibayo ang pagpapahusay sa mga sistema at proseso ng DepEd, patuloy din tayong nakatutok sa propesyonal na pag-angat at pagtutuok sa kapakanang pinansiyal ng ating mga guro."

Dagdag pa ni Lapus: "Ngayong taon, ang pagdiriwang ay nakapokus sa pagbibigay ng trabaho lalo na sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa krisis pang-ekonomiya sa buong mundo." Ang mga kontrata sa emergency employment ng mga non-teaching personnel sa mga paaralan ay magsisimula sa Hulyo hanggang Disyembre.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay "Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan Tungo sa Tunay na Kalayaan." Ang iba't-ibang ahensya ng pamahalaan ay magsasagawa ng mga programang magbibigay-trabaho at pangkabuhayan sa iba't-ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Lapus, Imbitado ang publiko sa mga libreng palaro, sine at iba pang mga palabas na pangkultural dito sa Metro Manila at sa mga makasaysayang lugar sa buong Pilipinas.

Kasama sa pagdiriwang ang makasaysayang simbahan ng Barasoain sa Malolos Bulacan na dadaluhan din ni Lapus.

Binubuo ng DepEd, Department of Labor and Employment, Office of the President, Department of Tourism, Department of Interior and Local Government at National Historical Institute ang National Organizing Committee ngayong taon.

Hinihikayat ng DepEd ang mga guro na pag-usapan sa klase ang mga makabuluhang pangyayari sa ating kasaysayan na nagbigay daan sa ating kalayaan. Maaari rin silang magsagawa ng mga essay writing contest, poster-making, oratorical o declamation contests sa mga paaralan.

Samantala patuloy ang DepEd sa kampanya nito sa tamang paglagay ng pambansang watawat at ang tamang paraan sa pag-awit ng ating pambansang awit. (DepEd) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA leads nationwide 111th Freedom Day rites in Koronadal City
»PGMA appoints Ermita Lakas-Kampi-CMD interim prexy
»Feature: Dengue fever cases rising in number annually
»Suspected Cases of A(H1N1) in Davao Region turn negative
»Nat'l agencies to open vacancies in Kalayaan jobs fair at Davao NCCC mall
»DAR celebrates 21st CARP anniversary
»Davao City 2nd district allots P4M for college education
»Fresh grads land as DTI price monitors
»Zambo del Sur MNLF coop's aquaculture income gets boost
»DepEd reiterates no collection fees, optional uniforms for public schools
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines