Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/12

Tagalog News: Selebrasyon ng 111th na anibersaryo ng Independence Day naging makabuluhan

by Bennie A. Recebido

Sorsogon Province (June 12) -- Naging makabuluhan ang naging seremonya ng pagdiriwang ng 111th Philippine Independence Day anniversary na ginanap dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ay matapos na daluhan ng halos lahat ng mga manggagawa ng pamahalaang probinsyal ng Sorsogon, ahensya ng pamahalaang nasyunal, mga kinatawan ng Government Owned Controlled Corporation at ng nag-iiasang state college dito sa lalawigan kasama na rin ang ilang kinatawan ng civil society group ang isang simpleng seremonya kanina sa Capitol Park dito sa lungsod ng Sorsogon.

Ito ay bunsod na rin ng ipinalabas na Memorandum No. 022 s. 2009, kung saan inatasan ni Sorsogon Governor Sally A. Lee ang mga ito na makiisa sa selebrasyon ng paggunita sa Philippine Independence Day.

Ang ika-isangdaan labing-isang anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas ay tinampukan ng seremonya ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas kasabay ng pag-aawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa ganap na alas otso ng umaga. Susundan ito ng Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas bandang 8:15 ng umaga at ang paghahandog ng bulaklak ng mga chief of offices sa munumento ng ating pamansang bayani na si Dr. Jose Rizal ng mga hepe ng iba't-ibang tanggapan dito.

Samantala, sinabi ni Anabelle Barquilla ng Department of Environment and Natural Resources Provincial Field Office na namahagi din sila kanina ng mahigit sa isangdaang malunggay seedlings mga interesadong magtanim ng malunggay dito bago magsimula ang simpleng seremonya ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas.

Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ngayon, ilang mga Sorsoganon din ang bumisita sa ating tanggapan dito sa PIA simula pa noong nakaraang linggo hanggang kahapon at nagpahayag ng kanilang pagnanais na makadalo sa Mega Jobs Fair na gaganapin diyan sa Albay Astodome.

Nagpahayag din sila ng pasasalamat sa ating tanggapan sa pagbibigay-puwang natin sa mga anunsyong may kaugnayan sa programa at serbisyong magbibigay oportunidad sa kanila na makahanap ng trabaho.

Matatandaang hinikayat ng Department of Labor and Employment sa pamamagitan ni OIC Field Officer Marilyn Luzuriaga, ang mga Sorsoganon na dumalo sa nasabing mega jobs fair upang mabigyang pagkakataon ang mga kababayan natin dito na makahanap ng trabaho.

Ang hakbanging ito ng DOLE at ng DENR ay bilang tugon na rin sa tema ng pagdiriwang na nakatuon sa "Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan, Tungo sa Tunay na Kalayaan."

Ang mga kapulisan din dito ay patuloy na handa at nakaalerto kaugnay pa rin ng selebrasyon ngayong araw. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA leads nationwide 111th Freedom Day rites in Koronadal City
»PGMA appoints Ermita Lakas-Kampi-CMD interim prexy
»Feature: Dengue fever cases rising in number annually
»Suspected Cases of A(H1N1) in Davao Region turn negative
»Nat'l agencies to open vacancies in Kalayaan jobs fair at Davao NCCC mall
»DAR celebrates 21st CARP anniversary
»Davao City 2nd district allots P4M for college education
»Fresh grads land as DTI price monitors
»Zambo del Sur MNLF coop's aquaculture income gets boost
»DepEd reiterates no collection fees, optional uniforms for public schools
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines