Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/12

Tagalog News: Ika-111 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan maluwalhating naidaos sa La Union

Ni Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (12 Hunyo) -- Maluwalhating ipinagdiwang ng mga Ilokano ang ika-labing isang daan at labing-isang taon ng "Araw ng Kalayaan" dito sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng La Union na pinasinayaan sa pamamagitan ng malawakan at sabay-sabay na pagtataas ng bandilang Pilipino ng eksaktong ika-walo ng umaga kasunod ng pag-aalay ng mga korona ng bulaklak sa bawat monumento ng ating dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Ang nasabing selebrasyon ay pinangunahan ng kalihim ng Departamento ng Kalusugan na si Francisco Duque, III at ng kalihim ng Presidential Management Staff Hermogenes Esperon, Jr. kasama ang mga lokal na pamunuan sa probinsiya na kinabibilangan ng pangalawang punong panlalawigan Eulogio Martin Clarence De Guzman III, pangalawang punong panlungsod Pancrasio Nisce, pinuno ng kapulisan ng Rehiyon 1 Ramon V. Gatan, Presidential Assistant na kumakatawan ng katimugang Luzon Dr. Enrie Mendoza, mga opisyales ng Sangguniang Panlalawigan at Panlungsod, Siete Martires Bilang 177, Unyon ng Masonic Lodge bilang 70, mga namumuno ng iba't-ibang ahensiya ng gobyerno at ng kanilang mga empleyado sa rehiyon na pinangungunahan ng Departamento ng Paggawa (DOLE-ROI) sa ilalim ng pamumuno ni Direktor Henry John Jalbuena, at sa tulong ng Departamento ng Kalusugan (DOH-ROI) sa pamumuno naman ni Direktor Eduardo C. Janairo.

Sa mapagparayang selebrasyon na tinanghal, ay naroon ang mga tumanggap ng iba't-ibang benepisyong ipinamahagi ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng iba't-ibang mga ahensiya ng gobyerno na siyang nagpatupad ng naturang mga proyekto at programa na sumasailalim sa programang Economic Resiliency ng pamahalaan. Ito ay pinondohan ng P300 milyong piso bilang isang malakas na pananggalang ng mga Pilipino sa kasalukuyang umiiral na pandaigdigang krisis pang-ekonomiya.

Kinabibilangan ito ng mga programang Nurses Assigned in Rural Service o (NARS) ng DOLE na may 97 benepisyaryo; PGMA Iskolarsyip ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na may 2,355 na benepisyaryo; mga programa ng Commission on Higher Education (CHED) gaya ng Student Financial Assistance Program, na nahati-hati sa limang klase gaya ng One Town One Scholar, Full Merit Scholarship, Half Merit Scholarship, Tulong Dunong, at Study Now, Pay Later na sa kabuuan ay may 556 na benepisyaryo.

Sa larangan naman ng paggawa na sumasailalim sa programang Comprehensive Livelihood Emergency Employment Program ay may kabuuang 7,377 na Employment Contracts ang naibigay sa mga benepisyaryo. Ang mga ahensiyang nakapagbigay ng kontrata ay ang Department of Labor and Employment (DOLE); Department of the Environment and Natural Resources (DENR); Department of National Defense-Philippine Navy DND-PN; Department of Health-Center for Health Development DOH-CHD; Overseas Workers Welfare Administration (DOLE-OWWA); Philippine Overseas Employment Administration (DOLE-POEA); Regional Tripartite Wages and Productivity Board (DOLE); Department of Science and Technology (DOST); Department of Tourism (DOT); Department of Public Works and Highways (DPWH); Department of Social Welfare and Development (DSWD); Department of Trade and Industry (DTI); National Statistics Office (NSO); at National Telecommunications Commission (NTC).

Sa programa namang Livelihood Assistance o tulong-pangkabuhayan, may kabuuang 1,546 na tseke ang pinamahagi na may kabuuang halaga na P9,878,150.00. Mula naman ito sa mga proyektong Micro Finance for CARP beneficiaries ng Department of Agrarian Reform; Livelihood Assistance mula sa Department of Agriculture Bureau of Fisheries and Aquatic Resources; Department of Health-Center for Health Developement; DOLE; DOLE-OWWA; DSWD; at DENR.

Pagkatapos ng programa sa City Hall ng San Fernando, tumuloy naman ang lahat sa CSI The City Mall sa Barangay Biday, para sa ribbon cutting naman ng pagbubukas ng "Jobs Fair" kung saan ay may kaniya-kanyang lamesa ang lahat ng mga ahensiyang tumatanggap ng mga aplikante para sa naturang mga programang pantrabaho.

Nagkaroon din ng isang presscon sa CSI na dinaluhan ng mga miyembro ng lokal na mamamahayag sa radyo at pahayagan. Sina Kalihim Duque at Esperon pa rin ang nanguna sa panel at kasama din dito ang namumuno sa DOH sa rehiyon I na si Direktor Janairo pati na rin ang Sangguniang Panlungsod na si Kit Ortega.

Bukod sa mga bakanteng mga posisyon, nag-offer din ang ilang mga ahensiya ng libreng serbisyo gaya ng medikal at dental; pagtanggap ng mga aplikasyon para sa NBI clearances, mga katanungan tungkol sa problema sa birth certificates, mga benepisyo sa PhilHealth, SSS, GSIS, Pagibig, mga pagtatanong sa Bureau of Internal Revenue, tungkol sa mga pabahay, at iba pang mga nais malaman ng ating mga kababayang Ilokano.

Mayroon ding "Diskwento Plus" na ino-offer ang DTI kung saan ay may mga piling mga paninda sa CSI na itinitinda sa mas mababang halaga.

Maraming tao ang dumalo sa jobs fair na ito sa unang araw pa lamang kung saan ay mga posisyon sa mga ahensiyang pang-gobyerno ang binuksan at maaasahang mas dadami pa ito dahil sa Hunyo 13 ay mga trabahong lokal naman sa pribadong sektor at mga trabahong para naman sa ibang bansa ang nakalaan sa ikatlong araw, Hunyo 14.

Ang lahat ng sangay ng mga ahensiya ng gobyerno sa buong rehiyon, kasama ang gobyernong lokal ng probinsiya at ng lungsod ay aktibong sumali sa selebrasyon maging ang iba't-ibang pribadong sektor, at mga non-government organizations. (PIA-RO-LU) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA leads nationwide 111th Freedom Day rites in Koronadal City
»PGMA appoints Ermita Lakas-Kampi-CMD interim prexy
»Feature: Dengue fever cases rising in number annually
»Suspected Cases of A(H1N1) in Davao Region turn negative
»Nat'l agencies to open vacancies in Kalayaan jobs fair at Davao NCCC mall
»DAR celebrates 21st CARP anniversary
»Davao City 2nd district allots P4M for college education
»Fresh grads land as DTI price monitors
»Zambo del Sur MNLF coop's aquaculture income gets boost
»DepEd reiterates no collection fees, optional uniforms for public schools
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines