Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/15

Tagalog News: MPNC Quezon naghahanda na para sa Nutrition Month

by Ruel M. Orinday

Lucena City (13 June) -- Ang Multi-Sectoral Provincial Nutrition Council (MPNC-Quezon) ay naghanda na ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon sa Hulyo 2009 na may tema na "Wastong Nutrisyon, kailangan, lifestyle diseases, iwasan".

Sa ginanap na pulong ng MPNC- Quezon sa Quezon Medical Center sa lungsod na ito noong Hunyo 5, 2009 na pinangunahan nina Dr. Romeo Maano, dating Provincial Health Officer ng Quezon at Dr. Tullas, bagong Provincial Health Officer ng Quezon at siya ring Provincial Nutrition Action Officer ngayon, nabatid ng PIA Quezon na kabilang sa mga aktibidad na gagawin ng nasabing konseho ay ang mga sumusunod: Pag host ng flag raising ceremony sa kapitolyo ng Quezon na gaganapin sa Hulyo 6, 2009 kung saaan ay tampok ang isang programa.

Pagkatapos ng programa sa kapitolyo ay isasagawa naman ang isang talakayan sa Tanggapan ng Punong Lalawigan sa pamamagitan ng Philippine Information Agency (PIA-Quezon) na dadaluhan ng mga miyembro ng MPNC na may mga programa sa nutrisyon para sa lalawigan ng Quezon. Tampok din sa okasyong ito ang jingle contest at malunggay festival.

Sa nasabing tema ng pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon, ikinakampaya ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon ng mga bata at matanda upang makaiwas sa tinatawag na lifestyle diseases kagaya ng cancer, diabetes, cardio vascular diseases at mga sakit sa bato. Mayroon ding healthy lifestyle exercise na gagawin ang MPNC na maaari ding gawin ng mga tao upang makaiwas sa mga lifestyle diseases ngayon.

Kaugnay nito, nananawagan ngayon si Dr. Tullas sa mga miyembro ng MPNC na patuloy na suportahan ang mga programa ng nasabing konseho na katulad din ng suportang ginawa ng mga miyembro noong naging Provincial Health Officer si Dr. Maano para tuloy-tuloy na maipatupad ang mga programa sa nutrisyon sa lalawigan ng Quezon. Aniya, lalo pa niyang pag-iibayuhin ang pagpapatupad ng mga programa sa nutrisyon sa lalawigan sa pakikiisa ng mga miyembro ng MPNC.

Matatandan na ang MPNC-Quezon ay tumanggap na rin ng parangal o tatlong beses na naging green banner awardee dahilan sa pagpapatupad ng mga programa sa nutrisyon sa lalawigan. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DepEd issues guidelines on suspension of classes during bad weather
»Leyte Gov part of 111th Independence Day "Rigodon de Honor" at the Palace
»611 Iloilo jobseekers hired on the spot
»385 Ilonggo farmers receive land titles
»Two North Samar towns await first RP President's visit
»PGMA distributes scholarship vouchers to 100 young people of Las Navas
»PGMA inaugurates bridge, brings gov't closer to people
»MIMAROPA RLAs observe 111th Independence Day
»Ilocos RDC pushes e-governance project
»Villar calls on national gov't to rush help to distressed OFWs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines