Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/15

Tagalog News: Hagakhakin at MFARMC Multi Purpose Coop. ng Mulanay, tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa DOLE

by Ruel M. Orinday

Lucena City (15 June) -- Pormal na ipinagkaloob ni Quezon Gov. Raffy Nantes at G. Virgilio Magsino ng Department of Labor and Employment (DOLE-Quezon) ang tsekeng nagkakahalaga ng P270,440.00 sa Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council multi-Purpose Cooperative ng Mulanay, Quezon gayundin ang tsekeng nagkakahalaga ng P400,000.00 sa Hagakhakin Kaunlaran Employees Association ng Gumaca, Quezon.

Ang mga nasabing tulong pangkabuhayan ay mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Layunin nito na matulungang magkaroon ng hanapbuhay o pagkakakitaan ang mga miyembro ng nasabing kooperatiba sa Mulanay gayundin ang mga miyembro ng Hagakhakin Kaunlaran Employees Association sa Gumaca, Quezon.

Ang pagkakaloob ng mga tseke ay naging bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa paggunita ng ika-111 taong kalayaan ng bansa na ginanap sa may harapan ng Kapitolyo ng Quezon noong umaga ng Hunyo 12, 2009 matapos ang isang parada na dinaluhan ng mga kawani ng pamahalaang lokal at nasyonal.

Bukod dito, ipinagkaloob din ni Gov. Nantes ang President Gloria Arroyo (PGA) scholarship para sa may 120 displaced workers. Ito naman ay ipinatutupad ni Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Layunin din nito na makapagkapag-aral ng libre ang mga kabataan sa mga technology-vocational courses upang magkaroon ng skills training at magkaroon ng trabaho.

Naging tampok din sa okasyon ang pagbubukas ng Jobs and Livelihood Fair sa Bazaar Area, 3rd Floor ng SM City Lucena na dinagsa naman ng mahigit sa 3,000 mga aplikante mula sa iba't-ibang bayan ng Quezon.

Sa isinagawang programa sa SM City Lucena, tumanggap naman ng training contracts ang may 160 nurses mula sa Department of Labor and Employment samantalang dalawang displaced workers na taga Quezon din ang tumanggap ng employment contract mula sa DOLE bilang mga encoder.

Ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan ay nakiisa rin sa pagggunita ng araw ng kalayaan sa pamamagitan ng mga pagsasagawa ng mga pagsasanay o gawaing pangkabuhayan na ginanap namansa Quezon Rural Development Academy, Barangay Talipan, Pagbilao, Quezon noong Hunyo 13, 2009.

Kabilang sa mga ahensiyang nagsagawa ng livelihood skills training ay ang mga sumusunod: Department of Agriculture- Office of the Provincial Agriculturist (Paggawa ng pickles, jam at Leche Plan); Office of the Provincial Veterinarian (meat processing, pastillas with fresh cows milk making, Department of Science and Technology (vinegar making with acetator)bath soap with fresh cows milk making); Department of Agrarian Reform (Bokashi Organic Fertilizer); Technical Education and Skills Development Authority (Demo massage therapy at meat processing); Quezon National Agricultural School (Bangus deboning) at Provincial Tourism. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DepEd issues guidelines on suspension of classes during bad weather
»Leyte Gov part of 111th Independence Day "Rigodon de Honor" at the Palace
»611 Iloilo jobseekers hired on the spot
»385 Ilonggo farmers receive land titles
»Two North Samar towns await first RP President's visit
»PGMA distributes scholarship vouchers to 100 young people of Las Navas
»PGMA inaugurates bridge, brings gov't closer to people
»MIMAROPA RLAs observe 111th Independence Day
»Ilocos RDC pushes e-governance project
»Villar calls on national gov't to rush help to distressed OFWs
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines