Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/16

Tagalog News: Gamitin ang galing at sipag tungo sa tunay na kalayaan - panawagan

Calamba City (16 June) -- "Gamitin ang galing at sipag tungo sa tunay na kalayaan" Ito ang binigyan diin ni Sec Peter B. Favila ng Department of Trade and Industry (DTI) at Comprehensive Livelihood and Emergency Employment Progrnam (CLEEP) Steward sa Laguna sa kanyang mensahe sa ika 111th taong pagdirawang sa araw ng kalayaan ngayong ika 12 ng Hunyo sa may bulwagang pampamahalaan ng lunsod ng Calamba sa temang "Kagitingan, Kagalingan, Kasipagan Tungo sa Tunay na Kalayaan".

Matapos iparating ang pagbati ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa publiko, sinabi nito na laging layon ng pamahalan ang pagpapatibay at paglalago ng ekonomiya at dahil sa epekto ng pandaigdigang krisis nagpalabas ang pangulo ng kautusan na maglaan ang mga ahensiya ng pamahalaan ng 1.5 sa kanilang budget para bigyan ng trabaho ang mga nawalan at mga mahihirap na sektor.

Kasabay ng paganunsiyo sa tatlong buwan na ekstensiyon para sa mga 500 price monitors ng DTI sa ilalim ng CLEEP at pagbanggit sa mga livelihood projects na isinasagawa ng ibat-ibang ahesiya bilang bahagi ng resiliency program ng pamahalaan kung saan puwedeng makinibang ang ating mga kababayan.

Ang pokus ng pagdiriwang ay ang pagsasagawa ng tatlong araw na jobs at livelihood fairs ng 19 na ahensiya at CLEEP partners upang magkaroon ng trabaho ang mga naapektuhang manggagawa sa lokal, ibayong dagat at iba pa sanhi ng economic resesyon at pagbibigay ng mga tseke mula sa DOLE, DSWD, DOTC, OWWA at DILG na ngkakahalaga ng 12.7 milyong piso para sa kani-kanilang CLEEP beneficiaries.

Ayon sa pangrehiyong Kagawaran ng Paggawa mayroong 2,129 sa pamahalaan; 8,000 sa lokal at 1,625 overseas o sa total na 11,754 ang naghihintay na trabaho para sa mga mapapalad at kwalipikadong aplikante sa nasabing jobs fair.

Naging mainit ang pagtanggap ng Punong Lunsod Joaquin Chipeco at nagpasalamat sa handog ng mga ahensiya ng pamahalaan at iba tumutulong sa problema ng ekonomiya partikular sa negosyo at hanapbuhay.

Nabigay din ng mensahe ang Punong lalawigan Hon. Teresita Lazaro, Cong. Justin Chipeco ng 2nd district kung saan binanggit ang pagkakaisa, kooperasyon, pagsisipag at pagtitiyaga bilang sagot sa presyon ng kahirapan. Kasama din ang ilan pang opisyales at tinatayang 4,000 katao mula sa ibat-ibang sektor ang dumalo sa nasabing pagdiriwang. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA to observe implementation of ESM initiatives in Iloilo City
»Davao Norte town submits to PGMA, P500-M proposal for aquaculture dev't
»Carmen celebrates 41st anniversary
»City of Tagum commemorates 111th anniversary of Philippine independence
»EMB to PBGEA: Strengthen measures against bio-accumulation of pesticides
»Mindanao Microfinance Council sees potential in crisis
»NARS program benefits idle local nurses
»PGMA to inaugurate the P143.5-M Las Navas bridge in Northern Samar
»Duque reports 33 more A(H1N1) cases; confirms community outbreak in one barangay in Jaen
»Bulacan elementary school suspends classes after A(H1N1) flu hits 49 students
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines