Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/17

Tagalog News: Feature: Mariculture farm, fish sanctuary ng BFAR, malaking tulong sa mga mangingisda sa Ilocos Norte

Ni Carlo P. Canares

Laoag City (17 June) -- Si Charito Leano ay isang mangingisda sa Badoc, isang coastal town sa probinsiya ng Ilocos Norte. Gawain na niya halos araw-araw ay pumalaot at umaabot pa sa medyo kalayuang bahagi ng karagatan upang makapangisda.

Subalit kadalasan ay kaunti lamang ang kanyang nahuhuling isda, at karamihan pa ay maliliit lamang.

Isa si Charito sa maraming mangingisda sa kanilang bayan na kakaunti ang kinikita dulot nang pakaunti na pakaunti na nahuhuling isda dulot ng illegal fishing, pagkasira ng yamang dagat at kakulangan ng kaalaman sa aquaculture.

Salamat na lamang at nagtayo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng isang mariculture farm sa bayan ng Badoc upang matulungan ang mga mangingisda ng tamang kaalaman sa aquaculture.

Sinabi ni Arthur Valente, opisyal ng Office of the Provincial Agriculture, na tinuturuan nila sa "technology demonstration farm" ang mga mangingisda kung papaano alagaan at paramihin ang mga high-value commercial fish species upang lumaki ang kanilang ani at kikitain. Sa kasalukuyan ay mga lapu-lapu, sea bass at iba pa high value commercial fish species pa lamang ang kanilang inaalagan sa mariculture farm.

Layunin din ng nasabing proyekto na palakihin ang fish supply sa probinsiya ng Ilocos Norte sa pamamagitan ng tamang pangangalaga ng coastal resources at mas malakas na pamumuhunan sa aquaculture. Ayon kay Valente, 25 porsyento lamang ng kabuoang fish consumption ng Ilocos Norte ang kayang i-supply ng probinsiya. Ang kulang na 75 porsyento na fish supply ay inaangkat pa mula sa mga karatig na probinsiya.

At dahil sa nasabing mariculture farm, nahinto na din ang illegal fishing sa nasabing bayan. Sa inisyatiba ng BFAR kasama ang ilang miyembro ng Bantay Dagat sa tulong ng lokal na pamahalaan ay mayroon ng palagiang nagpapatrol sa karagatan.

Sa di kalayuan nang mariculture farm, nagtayo din ang BFAR at lokal na pamahalaan ng fish sanctuary upang maprotektahan ang yamang dagat ng Badoc. Maaring pagdating ng panahon ay maging isang tourist attraction na din ang nasabing fish sanctuary dahil sa buhay na buhay na yamang dagat na makikita dito.

Ilang buwan matapos maitayo ang Badoc Mariculture Farm and Fish Sanctuary noong Pebrero, maraming mangingisda na ang lumaki ang kita. Si Charito Leano ay nakakahuli na nang mas maraming isda na hindi lamang pampamilyang pagkain kundi naititinda pa niya sa pamilihang bayan. Bukod dito, hindi na din siya kailangan pa pumunta sa kalayuang bahagi ng karagatan kung saan maraming panganib ang naghihintay para lamang makapanghuli ng isda. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao-Uijeongbu to sign LOI for sisterhood agreement
»SM intensifies sanitation program, foot bath in mall entrances
»SM turns over 21st school building and their first in Davao City
»DSWD launches Moral Renewal Action Plan
»Business park to soon rise in Carmen, Davao Norte
»42nd Araw ng Davao Norte fetes shared responsibility
»Farmers expect better income with RUBBER Project
»Davao dad bats for Lake Venado temporary closure
»ARMM grade-schoolers get boost with AusAID, USAID reading program
»Cebuano News: Rebelding NPA nga mibalik sa sabakan sa kagamhanan gitaga-an ug panginabuhi-an
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines