Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/17

Tagalog News: Mahigit 4,000 aplikante nabigyan ng trabaho sa isinagawang "Kalayaan 2009 Mega Job Fair" sa Rehiyon XII

General Santos City (June 17) -- Tinatayang umabot sa 4,607 na mga aplikante ang nabigyan ng trabaho sa isinagawang "Kalayaan 2009 Mega Job Fair" sa Koronadal City kasabay sa pagdiriwang ng ika-111 taon ng Philippine Independence Day noong Biyernes (June 12) na dinaluhan mismo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ilang miyembro ng Gabinete at mga lokal na opisyales ng Rehiyon 12.

Ayon kay Ruby Carrasco, Administrative Officer ng DOLE XII, 2, 254 na mga aplikante ang nabigyan ng posisyon sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno; 1, 687 ang natanggap sa pribadong sektor; samantalang 666 naman ang nabigyan ng trabaho sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Carrasco, sa naturang bilang ng mga natanggap na aplikante 1, 894 sa mga ito ang na "hire-on-the spot" kung saan 1, 680 ang sa ahensya ng gobyerno, 164 sa lokal at pribadong sektor at 50 para sa trabaho sa ibang bansa.

Ayon sa talaan ng DOLE XII umabot sa 7, 060 na mga aplikante ang nagsumite ng kani-kanilang mga dokumento sa naturang jobs fair. 6, 587 ang bilang ng mga aplikanteng nagmula sa Koronadal City samantalang 473 naman ang nagmula sa General Santos City.

Ang "Kalayaan 2009 Mega Job Fair" ay bahagi ng implementasyon ng Comprehensive Livelihood and Emergency Employment Program (CLEEP) ng administrasyon na naglalayong makapagbigay ng "emergency employment" sa mga mahihirap na Pilipino, mga out-of-school youths, mga manggagawang pinoy na nawalan ng trabaho sa ibang bansa dulot ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya. (PIA-SarGen) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao-Uijeongbu to sign LOI for sisterhood agreement
»SM intensifies sanitation program, foot bath in mall entrances
»SM turns over 21st school building and their first in Davao City
»DSWD launches Moral Renewal Action Plan
»Business park to soon rise in Carmen, Davao Norte
»42nd Araw ng Davao Norte fetes shared responsibility
»Farmers expect better income with RUBBER Project
»Davao dad bats for Lake Venado temporary closure
»ARMM grade-schoolers get boost with AusAID, USAID reading program
»Cebuano News: Rebelding NPA nga mibalik sa sabakan sa kagamhanan gitaga-an ug panginabuhi-an
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines