Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/17

Tagalog News: Ekonomiya ng Pilipinas nananatiling matatag - BSP

Manila (17 June) -- Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na napapansin na ng mga economist at investors sa buong mundo ang Pilipinas bilang isa sa may "best performing economies" sa Asya. Ito umano ay dahil sa economic at fiscal policies na ipinapatupad ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ikinatuwa naman ng pamahalaan ang ulat ng Business World na ang Philippine peso ang "most emerging market currency" ngayong taon at inaasahang tataas pa sa mga susunod na buwan sapagkat ang ekonomiya umano ng Pilipinas ay nananatili pa ring matatag kung ikukumpara sa ibang bansa.

Ayon sa BSP, dahil ang Estados Unidos ang sentro ng ekonomiya ng buong mundo, lubos na naapektuhan ang halos lahat ng bansa ng bumagsak ang financial sector nito. Ngunit dahil umano sa determinasyon ng Pangulong Arroyo na panatilihing matatag ang ekonomiya ng Pilipinas, hindi ito lubos na naapektuhan ng nabanggit na suliranin.

Nilinaw naman ni Press Secretary Cerge Remonde sa publiko na ang atensiyon ng Pangulong Arroyo ay nakatuon lamang sa pagsasagawa ng mga economic programs, pagbubukas ng panibagong trabaho at pagbibigay solusyon sa suliraning kahirapan at pagkagutom sa bansa. Hindi umano ito nagpapaapekto sa mga isyung politikal tulad ng charter change. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao-Uijeongbu to sign LOI for sisterhood agreement
»SM intensifies sanitation program, foot bath in mall entrances
»SM turns over 21st school building and their first in Davao City
»DSWD launches Moral Renewal Action Plan
»Business park to soon rise in Carmen, Davao Norte
»42nd Araw ng Davao Norte fetes shared responsibility
»Farmers expect better income with RUBBER Project
»Davao dad bats for Lake Venado temporary closure
»ARMM grade-schoolers get boost with AusAID, USAID reading program
»Cebuano News: Rebelding NPA nga mibalik sa sabakan sa kagamhanan gitaga-an ug panginabuhi-an
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines