Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/18

Tagalog News: P5-M organic fertilizers para sa mga magsasaka sa Ilocos Norte

Ni Carlo P. Canares

Laoag City (18 June) -- Namigay ang pamahalaan ng Ilocos Norte sa pangunguna ni Gobernador Michael Marcos Keon ng organic fertilizers para sa mga magsasaka ng mga bayan ng Paoay at Batac kamakailan.

Hindi bababa sa 2,800 na magsasaka ang tumanggap ng mga organic fertilizers. Ang mga nasabing magsasaka ang mga yaong may mga pananim na nasalanta ng bagyong "Karen" na tumama sa probinsiya noong nakaraang taon.

Sa kanyang talumpati, hinikayat ni Gobernardo Keon ang mga magsasaka na patuloy pang palakasin ang kanilang mga ani na bigas upang lumakas ang kanilang kita at upang patuloy ang rice supply sa probinsiya. Ipinagmalaki ni Keon na ang Ilocos Norte ay 280 porsyento na self-sufficient sa rice production dahil sa magandang ani nitong nakalipas na planting season. Nais ng gobernador na manatili ang pagiging self-sufficient ng probinsiya upang hindi na kailangan pa umangkat ng bigas at iba pang produktong agrikultura mula sa ibang probinsiya.

Nangako naman ang butihing gobernador na patuloy na susuportahan ng kanyang pamahalaan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng iba't-ibang programa kagaya ng trainings, pagbibigay ng mga farm implements, pautang at iba pa.

Napag-alaman na ang national government ay nagbigay ng 33 milyong piso para sa rehabilitation ng mga palayan at lupa na nasira ng bagyong Karen. Limang milyon ang halaga ng mga organic fertilizers na ang 25 porsyento ay nagmula sa provincial government at isa pang 25 porsyento ay nagmula naman sa mga municipal government.

Matatandaan na tinutulak ng Department of Agriculture ang paggamit ng mga organic fertilizers ng mga magsasaka upang lumakas ang ani at lumaki ang kita. Tinuturuan na din ng DA ang mga magsasaka na mag-produce na mga abono mula sa animal manure, carbonized rice hull at rice stalk. Sinabi din ni Agriculture Secretary Arthur Yap na layunin ng DA na magtayo ng 2,600 organic production sites sa iba't-ibang bahagi ng bansa na magtuturo sa mga magsasaka ng tamang teknolohiya. (PIA Ilocos Norte) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 4 guerilla fronts remain in East Visayas, 8th ID chief says
»DOH reiterates: Dengue is more deadly than AH1N1
»Cabinet Secretaries grace LMP Caravan 2009 in Tacloban
»RP to sign two ODA loans with JICA worth USD456 during PGMA's Japan visit
»Teves says RP may tap Samurai funds
»Duque reports 64 new cases as 8 more fully-recovered patients are sent home on Wednesday
»NPA strength down to lowest level since '80s
»NPA leader in Abra surrenders
»GSIS directed to resolve system-wide computer problems
»PGMA meets with Japanese prime minister, gets audience with Empress
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines